MANGINGISDANG VIETNAMESE NAPATAY SA SOUTH CHINA SEA

Zubil Mat Som

ISANG mangingisdang Vietnamese ang napatay ng Malaysian coast  matapos na magkainitan sa South China Sea kamakalawa.

Ayon kay Malaysian Coast Guard Chief Zubil Mat Som, pumasok ang dalawang Vietnamese fishing boat sa katubigang sakop ng Malaysia sa hilagang silangan ng estado ng Kelantan.

Sinasabing nagpaputok ng warning shot ang Malaysian coast guard matapos na banggain ng Vietnamese vessel ang kanilang barko.

Binato pa umano ng mga Vietnamese ng bote ang barko kaya naman pinaputukan na nila ito bilang self-defense.

Sinabi ng opisyal na nalulungkot din sila sa pangyayari ngunit ginawa lang aniya ng kanyang mga tauhan na protektahan ang kanilang buhay at soberanya ng kanilang bansa.

Ang nalalabing 20 Vietnamese crew members na sakay ng bangka ay nasa kustodiya na ng Malaysian authorities.

Malaking bahagi ng South China Sea ang pinag-aagawan ng ilang bansa tulad ng Brunei, Malaysia, Filipinas, Taiwan, Vietnam at China.

Comments are closed.