MANICURE, PEDICURE PUWEDE NA, GUIDELINES ILALATAG NG DTI

MANICURE-PEDICURE

PAPAYAGAN na ang mga salon at barberya na mag-alok ng iba pang serbisyo bukod sa gupit, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang desisyon ay ginawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases noong Huwebes.

Ani Roque, magpapalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng guidelines na susundin para sa unti-unting pagbabalik ng iba pang serbisyo na ipinagkakaloob ng mga salon at barberya.

“’Yung mga pedicure, manicure hintayin muna po ang guidelines bagama’t in principle, papayagan po ‘yan, hintayin lang natin ang guidelines ng DTI,” pahayag ni Roque sa te­levised briefing.

Ang naturang mga establisimiyento ay pinapayagang magbukas sa 30% operating capa­city sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at 50% operating capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

Comments are closed.