Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
12 noon – CSB vs Arellano (Men)
2 p.m. – SSC-R vs EAC (Men)
4 p.m. – Letran vs LPU (Men)
INAPULA ng Mapua ang mainit na paghahabol ng Jose Rizal University upang maitarak ang 72-67 panalo at mapalakas ang kanilang Final Four bid sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Nagwagi ang Cardinals sa kabila ng hindi paglalaro nina key players Noah Lugo (fever) at Paolo Hernandez (injury), na hinalinhinan nina Justin Serrano at JP Nieles.
Sinibak ang inaalat na College of Saint Benilde sa fifth place sa 7-6, ang Mapua ay naghahabol na lamang sa fourth-running San Sebastian (7-5) ng kalahating laro sa karera para sa huling Final Four berth.
Sa unang laro ay napalawig ng defending champion San Beda ang kanilang perfect run sa 14 games subalit kinailangang malusutan ang pagbabanta ng University of Perpetual Help System Dalta, 75-62.
Naitala ni Serrano ang walo sa kanyang 12 points sa third quarter breakaway ng Cardinals, habang nag-ambag si Nieles ng 11 markers.
Mahaharap ang Mapua sa dalawang krusyal na laro sa susunod na linggo laban sa last season’s finalists.
“Of course, mahirap, LPU and San Beda. Pero kakayanin namin. Hindi magiging madali ang mga laban na iyon,” wika ni coach Randy Alcantara.
Iskor:
Unang laro:
San Beda (75) – Oftana 17, Tankoua 17, Canlas 16, Doliguez 8, Soberano 8, Abuda 5, Nelle 4, Alfaro 0, Bahio 0, Cariño 0, Cuntapay 0, Etrata 0, Noah 0.
Perpetual (62) – Aurin 13, Adamos 12, Razon 12, Peralta 11, Charcos 9, Martel 3, Labarda 2, Guissani 0, Lanoy 0.
QS: 14-12, 31-33, 50-46, 75-62
Ikalawang laro:
Mapua (72) – Victoria 13, Serrano 12, Buñag 11, Nieles 11, Gonzales 10, Bonifacio 8, Aguirre 3, Nocum 2, Salenga 2, Gamboa 0, Garcia 0, Jabel 0.
JRU (67) – Dionisio 15, Miranda 13, Amores 12, Aguilar 8, Dela Rosa 8, Delos Santos 5, Abaoag 2, Arenal 2, Jungco w, Macatangay 0, Vasquez 0.
QS: 12-15, 30-31, 48-39, 72-67
Comments are closed.