NAGKAROON ng maiksing tensiyon ang mga estudyante makaraang makatanggap at bulabugin ang Mapua University ng isang bomb threat sa Muralla St., Intramuros, Manila kahapon.
Batay sa inisyal na ulat na nakalap ng Manila Police District (MPD), dakong alas 9:55 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang desk officer ng Intramuros PCP mula sa sekyu ng unibersidad na si SG Oscar Caasi kaugnay sa bomb threat na natanggap sa pamamagitan ng text messages.
Una umanong nakatanggap ng text message ganap na alas-9:20 ng umaga ang student council na si Jose Paulo Napao, habang alas-9:25 ng umaga naman nakatanggap ng mensahe ang isa pang student council na si Vinzwill Christian Subaan.
Agad namang nagtungo sa unibersidad ang mga operatiba ng Explosive Ordinance Division (EOD) at nagsagawa ng panelling.
Matapos ang pag-iinspeksiyon idineklarang negatibo sa anumang uri ng pampasabog ang naturang unibersidad at ibinalik rin sa normal ang operasyon at klase. PAUL ROLDAN
Comments are closed.