HANDA na si Filipino boxer Eumir Marcial na ipakita kung ano ang kaya niya sa pagsalang niya sa kanyang professional debut sa Microsoft Theater sa Los Angeles sa Miyerkoles (Huwebes sa Manila).
Makakasagupa ni Marcial si American boxer Andrew Whitfield sa kanyang unang fight bilang pro.
Ang 25-anyos na si Marcial ay tumimbang sa 162.4 pounds habang si Whitfield ay mas mabigat sa 165.8 pounds sa official weigh-in noong Martes.
Magbabakbakan ang dalawang boksingero sa four-round middleweight bout, kung saan target ni Marcial ang matikas na simula sa kanyang professional career bago siya sumabak sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Kakatawanin ni Marcial ang Filipinas sa Summer Games kung saan sisikapin niyang maging unang Pinoy na nagwagi ng Olympic gold medal.
Bilang paghahanda, nagtungo si Marcial sa United States noong Oktubre at nagsanay sa tulong ni coach Freddie Roach sa Wild Card Gym.
Comments are closed.