MARCIAL SIGURADO NA SA MEDALYA SA ASIAN ELITE TOURNEY

Eumir Felix Marcial

HINDI na kinailangang lumaban ni Filipino boxer Eumir Marcial upang umabante sa semifinals ng ASBC Asian Elite Men’s and Women’s Boxing Championships sa Dubai.

Ang Olympic-bound na si Marcial ay idineklarang panalo sa kanyang quarterfinal bout laban kay  Otgonbaatar Byamba-Erdene  ng Mongolia sa middleweight (75kg) division, via forfeiture.

Ito ay makaraang hindi makalaban si Byamba-Erdene dahil sa injury na kanyang natamo kontra Ridha Talib Jabbar ng Iraq sa kanyang unang laban.

Sa  resulta, si Marcial ay nakasisiguro na ng medalya sa torneo.

Sinawing-palad naman si lightweight Jere dela Cruz nang masibak sa medal contention makaraang gapiin ni Varinder Singh ng India sa quarterfinals.

Kinuha ni Singh ang 5-0 victory laban kay Dela Cruz, na pang-apat na Filipino boxer na ngayon na nasibak sa torneo.

Bukod kay Marcial, nasa semifinals na rin sina Mark Lester Durens at Junmilardo Ogayre, na nagwagi sa kani-kanilang quarterfinal bouts at nakasisiguro na rin ng kahit bronze medal.

Pumasok din si five-time Southeast Asian Games gold medalist Josie Gabuco sa isemifinals makaraang makakuha ng bye sa quarterfinals ng women’s light-flyweight division.

3 thoughts on “MARCIAL SIGURADO NA SA MEDALYA SA ASIAN ELITE TOURNEY”

  1. 434646 260436It is a shame you dont have a donate button! Id without a doubt donate to this brilliant blog! I suppose for now ill settle for book-marking and adding your RSS feed to my Google account. I appear forward to fresh updates and will share this weblog with my Facebook group. Chat soon! 708321

Comments are closed.