MARESTELLA WALANG KUPAS

Marestella

CAPAS, Tarlac –- Tumalon si Marestella Torres-Sunang sa layong 6.2 meters sa kanyang fourth attempt upang madominahan ang women’s long jump ng Southeast Asian Games athletics test event kahapon sa New Clark City Athletics stadium dito.

Sa pagdispatsa sa kanyang Thai at Vietnamese rivals para sa gold medal, si Torres-Sunang ay lumapit sa kanyang target na 6.45 meter mark na nagbigay sa kanya ng bronze medal sa 2017 SEA Games.

“Nag-practice  na ako rito. Pero this time, may mga foreigner. Hindi naman namin ito focus kasi, isini­ngit lang ito sa training,” wika ni Torres-Sunang, na nagtala ng national record na 6.72 meters na nagbigay sa kanya ng tiket sa Rio Olympics, tatlong taon na ang nakalilipas.

Nagkasya si Thai bet Parinya Chuaimaroeng sa silver sa kanyang 6.17 meter performance sa kanyang fifth attempt, habang kinuha ni  Vietnamese standout Thi Ngoc Ha Vu ang bronze (6.02 meters) sa kanyang unang pagtatangka.

Naniniwala si Torres-Sunang na naabot na niya ang 70 percent ng kanyang peak sa performance.

“Sa December, kailangan at nandoon na,” ani Torres-Sunang, na nasa kanyang seventh stint sa SEA Games.

Inaasahang masusukat sa two-day test event sa athletics ang kahandaan ng Filipino tracksters para sa Games.

May 72-member Philippine athletics team ang masusubukan laban sa kanilang mga katunggali mula sa Thailand, Malaysia at ­Vietnam.