MARIAN AT DINGDONG DANTES CO-PRODUCER SA KANILANG SITCOM

HEARTFULLY

HALOS isang dekada nang hindi nagsasama ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang project. Huling seryeng nagawa nila ay ang “My Beloved” noong 2012 pa. At dahil sa kagustuhan nilang mapaligaya ang mga Dongyan supporters, minabuti nilang mag-co-produce sa GMA-7 ng isang sitcom, ang Jose and Maria’s Bonggang Villa’ na mapapanood sa dara­ting na Mayo kada Sabado ng gabi.

“Kung miss nila kami, mas miss namin sila. Kaya isa ito sa ma-o-offer namin sa kanila. After 10 years, finally, mangyayari na talaga siya para sa kanila,” ang say ni Marian.

“More than being co-producers, we really consider ourselves co-creators. Kumbaga, ‘yung nakasulat sa script, minsan mababago. Ang pinaka-fun part dito, there’s so much to explore from different experiences,” saad naman ni Dingdong.

BAGUHANG PRODYU, HAKOT PA MORE NG INTERNATIONAL AWARDS

TILA non-stop na pagpupugay at pagkilala internationally sa isang pelikulang pinorodyus ni Teresita Tolentino Pambuan ng TTP Movie Production, ang “Minsa’y

Isang Alitaptap” na may international title na “Once A Firefly” na pinagbibidahan nina Gina Pareno at Teresa Loyzaga, sa direksyon ni Romm Burlat ng Rommantic Entertainment Production.

Higit 51 recognitons and awards lang naman to date ang nakopo ng natu­rang pelikula, na patuloy pa ring iniimbitahan ng ibang mga international film festival na makilahok sa kanilang filmfest.

“To God be the glory,” ang say ng mabait at magandang prodyo. Hindi inaakala ni Teresita na ang lakas-loob na pagproprodyus niya ng isang movie sa gitna ng pandemya ay mag-uuwi ng maraming parangal.

Ang pinaka-latest na film festival na nagbigay halos ng clean sweep awards sa “Minsa’y Isang Alitaptap” ay ang White Pearl International Film Festival in New Delhi, India. 12 awards ang napanalunan ng movie, ang mga ito ay ang Best International Film, Best Drama Film, Best Trailer Best Actress – Gina Pareño, Best Actress – Teresa Loyzaga, Best Actor – Ron Macapagal, Best Director- Romm Burlat, Best Editor – Marvin C. Gabas Best Producer- Teresita Tolentino Pambuan Best Single Performance Male – Lito Capina Best Single Performance Female – Leonora Carinaga, at Best Child Performer – Hasna Wahood.

RYZA CENON, PRESSURED SA PAGBABALIK-SHOWBIZ

Kung gaano katagal ang pandemic sa bansa, ganun din katagal na “nanahimik” ang showbiz career ni Ryza Cenon. Nasabay kasing nanganak siya.

Isang pelikula ang magsisilbing comeback project ni Ryza, ang “Rooftop” ng Viva Films, kung saan makakasama niya sina Marco Gumabao, Ella Cruz, Marco Gallo, Rhen Escaño, Andrew Muhlach at Epi Quizon.

Suspense-thriller ito at ito rin ang kauna-unahang Pinoy movie na ipapalabas sa mga sinehan, starting April 27, after ng Metro Manila Film Festival last December.

“Nakaka-pressure. Kinakabahan ako kasi kami ang unang ire-release sa mga sinehan after a long time. We know people are still scared to go to cinemas, kasi kulob siya, pero sana suportahan pa rin nila ang aming movie. Iba pa rin yung experience watching a movie on the big screen, lalo na kung horror film like this. Mas nakaka-excite,” ani Ryza.