MARIAN RIVERA IPAAALAM ANG GENDER NG 2ND BABY BUKAS

MARIAN RIVERA

SA November 20 ang gender reveal ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng second babyshowbiz eye nila.  Ito ang isinagot ni Marian sa tanong kung ano ang magi­ging baby nila kasunod ni Zia, nang mag-renew siya ng endorsement contract niya sa Nailandia for the 4th time.  Nagpasalamat si Marian sa may-ari ng Nail Studio and Body Spa na kahit daw preggy siya ay kinuha siya muli.

Kamias na isina­w­saw sa asin ang u­nang hiningi ni Marian nang mag­lihi siya.  Basta raw maaasim at maalat, gusto niya, ‘di tulad noong kay Zia na mga matatamis na white chocolate at candy.  Hanggang ngayon daw na almost five months na siya, may morning sickness pa siya at kapag lumabas siya at matrapik, nahihilo siya.  Kung dati, hindi siya lumalabas kung hindi siya nakaayos, ngayon kahit wala siyang make-up, lumalabas siya.

“Basta labis po ang pasasalamat ko kay Lord dahil lahat ng hinihiling ko sa Kanya, ibinibigay Niya.”

Magaan din namang kumilos si Marian. After nga ng contract signing niya, tumuloy pa siya sa GMA Network para sa mediacon nila ni Dingdong ng “The Color Run Hero Tour” na naganap kahapon  sa McKinley West, Taguig City, na tatakbuhin ang 5k ni Dingdong kasama ang iba pang Kapuso stars.

Si Marian, lakad daw lamang siya doon.  Ang proceeds ng “I Am Super” campaign ay mapupunta sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.

Comments are closed.