MARIAN RIVERA IPINAGPAMISA NG FANS SA 34 NA SIMBAHAN

A HAPPY and blessed birthday to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.  She will turn 34 on Sunday,showbiz eye August 12 at muli, ang kanilang mga fans ng husband niyang si Dingdong Dantes, ang DongYanatics, ay nag-offer ng 34 Thanksgiving Holy Masses sa iba’t ibang churches sa Metro Manila at sa provinces. Nakagawian na ito ng mga fans nila ni Dingdong tuwing sasapit ang kanilang mga birthdays.

Last Thursday naman, isang birthday celebration at reunion na rin ng “Super Ma’am” cast ang ginanap sa bahay nina Marian sa Makati City at nakakatuwang dumating ang mga kasama niya noon sa kanyang fantasy-action-drama last year na si Shyr Valdez ang nag-asikaso. Based sa Instagram story ni Ma­rian, masayang-masaya ang gru­po at bukod sa sumptuous dinner may kantahan at games pa silang ginawa at kitang-kita ang saya ni Marian at siyempre na­kisaya rin sa kanila si Baby Zia at Dingdong.

Saan kaya ang birthday celebration nila ni Dingdong na birthday last August 2?

‘BAKWIT BOYS’ GRADED A NG CINEMA EVALUATION BOARD

BAKWIT BOYSCONGRATULATIONS! Graded A din ang ibinigay ng CEB (Cinema Evaluation Board) sa heart-warming musical movie na “Bakwit Boys” ng T-Rex Entertainment Productions Inc. na written and directed by the blockbuster director na si Jason Paul Laxa-mana.  It seems magaganda ang walong pelikulang official entries sa coming Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 na usually ay naka-center sa family.

Muling ginamit ni Direk Jason na location ang mga magagandang lugar nila sa Pampanga. Napagsama-sama niya ang kanyang cast sa pamamagitan ng audition, pero hindi kailangang lahat sila ay mahuhusay kumanta.  Kabilang sa cast ang rising actress na si Devon Seron, stage heartthrob Vance Larena, noontime TV idols Ryle Santiago and Nikko Natividad at si singing champion Mackie Empuerto na tungkol sa four brothers at ang kanilang dream na sumikat sa pagkanta.

Ang four brothers ay mula Isabela pero nang dumaan ang isang malakas na bagyo sa kanilang lugar, napilitan silang lumikas sa Pampanga sa lolo nila.  Dito sila bumuo ng mga kanta at para kumita nag-perform sila sa town fiesta.  Doon sila narinig kumanta ni Rose (Devon) a rich city girl na mahilig sa music at  nag-offer ng tulong sa Bakwit Boys para mai-record ang songs at marinig i-play sa radio at makilala sila.

“Na-inspire ako sa story at sa mga kanta,” sabi ni Devon.  “Nakakaiyak, kaya eager akong gawin nang i-offer sa akin.”

“Ang movie ay tribute namin sa mga hard-working people in the music industry,” sabi ni Ryle. “Sa akin, songs express the sentiments of the youth.”

Kay Vance naman, kapag napanood daw ang movie, the viewers will truly identify with the struggles of the brothers to stick together para magtagumpay.

At si Direk Jason Paul, “ang ‘Bakwit Boys’ po ay tungkol sa family, sa mga underdog and about dreamers.  Sana po, kapag napanood ninyo ang movie, marinig din naming kumakanta kayo, and crying tears of joy – until the credits roll and until you step out of the cinema.”

Kasama sa cast sina Alma Concepcion, Nan­ding Josef, Jeric Raval, at Michael ‘Eagle’ Riggs.  May special participation sina Sebastian Castro, Cai Cortez, Kiray Celis at Albie Casino.

Magsisimula ang PPP 2018 sa Agosto 15 to 21, sa cinemas nationwide.

Comments are closed.