MARIAN RIVERA MAAGANG PINASAYA ANG MGA ‘ALAGANG BATA’ SA @SMILETRAIN

MARIAN RIVERA2

SA mga blessings na dumara­ting kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, it’s time to give back, showbiz eyekaya naman maaga niyang pinasaya ang Pasko ng mga batang alaga nila sa advocacy niya na @SmileTrain, ang mga batang bingot o may cleft lip or cleft palate.  Tinipon nila ang mga batang ito sa Prime Hotel PH sa Quezon City para sa maagang Christmas celebration.  Caption ni Marian sa kanyang Instagram wall:

“There are many ways to spread the love I get from everyone in my life.  At the end of the day, it’s not about what we have or accomplished but it’s about what we’ve been given back.  This year has been nothing but good to me, and this season it’s time to share our blessings through Marian’s Closet. @smiletrainph @closetbymarian #YANangsmile

Nanawagan din si Marian sa mga magulang o mga may kakilala na mga batang may cleft lip/cleft palate”

@marianrivera Smile mo share mo… May kilala ba kayong may cleft lip/cleft palate na hindi naooperahan o may kaila­ngan ng speech therapy? Refer n’yo lang po sa Smile Train.

Libre ang pagtawag mula sa PLDT/SMART sa 1-800-1-888-7246.  Libre rin mag-text mula sa Globe/TM 2158 NGTI (2158 6484 o mula sa Smart/TNT/Sun: 2929 058 NGTI (2929 058 6484. #YAN ang smile. #ShareYourSmile #FreeSurgery.

PAMILYA ROCES NAG-FINALE NA

pamilya rocesNAG-FINALE na ang romantic-comedy-drama series na “Pamilya Roces” na tinampukan nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz and another beauty-queen na si Elizabeth Oropesa na mga asawa ni Roi Vinzon sa story. Dinirek ni Joel Lamangan, nagbigay ng sagot ang cast hindi naiwasan na tanungin ang cast kung naging dahilan ba siya para mas lalong pagbutihin ng mga gumanap na anak na sina Carla Abellana, Jasmine Curtis Smith, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Shaira Diaz at nina Katrina Halili, Rocco Nacino at Christian Bautista.

Si Carla, hindi nag-worry na director nila si Joel Lamangan dahil sa­nay na niya itong makatrabaho. Si Jasmine, nagustuhan niya ang work ethics ni direk, si Gabbi, dahil kay direk, lagi silang on their toes pagda­ting sa work, walang issue sa kanila. Si So-phie, strict daw lamang si direk pero appreciated nila the way he works at mami-miss daw nila ito ngayong tapos na ang taping nila.  At si Shaira iyong takot daw nila kay direk ang naging dahilan kaya lahat sila ay nag-behave while working.

Si Katrina ay kinainisan ng netizens dahil siya raw ang gumawa ng gulo sa “Pamilya Roces.” Sumagot man si Katrina sa bashings ng mga netizen, pero ang pagta-trabaho raw nila with the senior stars, nakatulong para mas mapaganda nila ang show.

Pero ang natutunan nila sa paggawa ng “Pamilya Roces,” nalaman nilang kahit kung minsan ay sa pamilya rin nag-uugat ang mga problema, kahit ano pa ang mangyari, ‘pag pamilya mo, kadugo man o hindi, nandiyan kayo para sa isa’t isa. Pero ang maha­laga, ang respeto ng bawat isa sa pamilya.

Ang  episode ng “Pamilya Roces” ay pagkatapos ng “Onanay.”

Comments are closed.