NAGTATAKA ang netizens bakit na-bash si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa nasulat tungkol sa sitwasyon ng traffic sa Filipinas na naitanong sa kanya noong launch niya as the WalterMart celebrity endorser. Masama ba ang personal na sagot ni Marian nang tanungin siya kung hindi siya namomroblema sa trapik tulad ng ordinaryong mga tao?
Nakausap namin si Marian nang muli na siyang mag-report as one of the hosts ng Sunday noontime musical-variety show na “Sunday PinaSaya” last Sunday, October 13.
“Matagal nang may traffic, at wala nang dahilan para kunsumihin mo ang sarili mo sa traffic,” sagot ni Marian. “Para sa akin, kung may lakad ka, pumunta ka nang mas maaga para hindi ka matrapik. Sa sasakyan, marami kang pwedeng gawin, mag-cellphone ka, magsulat ka, iyon na ang time mo para sa sarili mo. Hindi mo napansin, nakarating ka na pala sa pupuntahan mo.”
Kasunod nga ng sagot ni Marian, bashings na ng mga hindi nakaintindi, kaya reaction na lamang ni Marian: “hindi ko inaalis na ma-misquote ako, pero sana bago sila mang-bash, basahin munang mabuti ang nasulat na sagot at huwag mag-react agad. Ang sagot ko po ay personal kong reaction dahil iyon ang ginagawa ko talaga kapag natatrapik ako.”
Ang ibang tao kasi, gusto nilang magsalita si Marian nang laban sa trapik o sisihin ang gobyerno tungkol sa trapik. Kaya to the rescue ang mga netizens kay Marian, nagtataka sila kung bakit ang sagot ni Marian ay kailangang ma-bash siya, wala namang siyang sinabing masama. Hindi raw deserved ni Marian ang bashings nila dahil hindi naman siya tulad ng government officials na nagpapasasa sa tax money na ibinabayad natin.
Anyways, bago nagsimula ang “Sunday PinaSaya, (SPS)” natanong pa rin si Marian, kung kailan ba siya talaga mapapanood sa isang teleserye at kung kailan sila muli magtatambal ng asawang si Dingdong Dantes.
“Gusto ni Dingdong, magkasama kami sa isang sitcom. Tingnan natin next year, kapag natapos na niya ang “Descendants of the Sun,” baka matuloy na ang muli naming pagsasama sa isang TV project. Last pa naming teleserye, ang “Beloved,” eight years ago. As to a musical show, like ng “Marian,” hindi pa ako ready na humataw sa sayaw.
MAINE MENDOZA TAPOS NA SA KAKA-PROMO NG PELIKULA
MEDYO makakapahinga na si phenomenal star Maine Mendoza sa hataw na pagsu-shooting dahil today, October 15, ay premiere night na ng first movie team-up nila ni Carlo Aquino, ang “Isa Pa With Feelings” ng BlackSheep Productions at APT Entertainment, sa direksyon ni Prime Cruz, sa Cinema One ng SM Megamall.
Last Sunday, nag-last promo na si Maine ng movie sa “Sunday PinaSaya” na nag-judge siya ng isang segment ng Sunday noontime musical variety show, ang “Hatawanan,” kasama sina Marian Rivera at Ai Ai delas Alas.
Tomorrow, October 16 ang grand opening ng movie in cinemas.
Kaya kahapon, Monday, hinarap na muli ni Maine ang pagsu-shooting ng “Mission Unstapabol: The Don Identity” nila ni Vic Sotto para sa coming Metro Manila Film Festival sa December.
Comments are closed.