MARIAN RIVERA NAMI-MISS ANG PAG-IYAK SA TELESERYE

SA Sabado, Hun­yo 23 na ang first anniversary ng weekly drama anthology, ang “Tadhana”  na hosted nishowbiz eye Kapuso Prime-time Queen Ma­rian Rivera.  Hindi inisip ni Marian na aabot na ng one year ang kanilang show na tungkol sa buhay ng mga  overseas Fi­lipino workers (OFWs).  Nang una raw nilang buuin ang concept ng show, para sa one season lamang iyon pero naging second, third, fourth season at naka-one year na nga raw sila.

“Actually po, para sa aming dalawa ni Dong (Dingdong Dantes) ang offer nila, nang sabihin ko sa kanya, sabi niya, “ganito na lang, ikaw ang artista ako na lamang ang magdidirek sa iyo,” kuwento ni Marian noong presscon. “Siyempre ay natuwa ako dahil iyon naman ang gusto ko, sabi ko sa GMA, gusto ko na si Dong ang magdirek, first directorial job niya ako.  Kaya po itong special episode na ito ay handog namin sa inyong lahat, sa mga OFW, sa inyo rin sa press, bilang pasasalamat namin sa inyo.

“Hindi po lamang namin puwedeng sabihin kung sino ang ipinu-portray ko rito, secret po ang identity nila.  Pero ako rito si Jackie, isang inang iniwan ang mga anak niya at maysakit na asawa para magtrabaho sa Bahrain at nasa isip ay ang mabago ang buhay ng kanyang pamilya.  Pero hindi niya akalain na daranas siya ng malaking hirap doon, sa dalawang taon ng paghihirap niya roon, physical abuse, hindi siya hinayaang makalabas ng bahay, walang cellphone para makausap man lamang ang pamilya at ang panloloko ng pinagkatiwalaan niyang magpadala ng pera niya sa Filipinas.

“Siguro na-miss ko ang pag-iyak sa mga teleserye, dito dalawang eksena lamang yata na hindi ako umiyak. Sana po ay magustuhan ninyo ang story na aming napili.”

Naikuwento pa ni Marian na dahil director si Dingdong, 6:00 am ang call time nito, pero siya ay 8:00 am ang call time. After ng magdamag na taping, first time nilang umuwing magkasabay mula sa work ni Dingdong ng 6:00 am the following day. Kaya raw pagdating nila sa bahay, sabi ni Dingdong: “Good job, pahinga ka na, tulog ka na.”

Nakasama ni Marian sa anniversary episode sina Jackielou Blanco, Emilio Garcia at si Lotlot de Leon.  Huwag i-miss ang special participation ni Direk Dingdong sa “Tadhana,” Sabado, Hunyo 23, pagkatapos ng “Contessa” sa GMA 7.

SUNSHINE DIZON AT CARMINA VILLAROEL NAG-TRENDING ANG TALAKAN

SUNSHINE DIZON-CARMINA VILLAROEL NAG-TRENDING noong Tuesday evening ang talakan nina Carmina Villarroel at Sunshine Dizon sa “Kambal Karibal” habang pinag-aawayan nila ang pag-angkin ni Maricar (Sunshine) sa anak niyang si Cheska (Kyline Alcantara) at siyempre ayaw ibigay ni Geraldine (Carmina) dahil si Cheska raw ay matagal nang patay at ang nasa kanya ay ang anak na si Crisel na nasa katawan ni Cheska.

Lalong nagalit si Maricar dahil nagsisinungaling daw lamang si Geraldine, paano raw mapupunta ang kaluluwa ng anak nito sa katawan ni Cheska?  Pero ito nga­yon ang sinusundan ng mga netizen, kung paano mai­liligtas ni Geraldine si Crisel dahil nandyan lamang sina Cheska at black lady na naghihintay lamang ng chance na mabawi ang katawan ni Cheska para makapasok ang kanyang kaluluwa.  Ito ang kinasasabikang malaman ng mga sumusubaybay gabi-gabi sa “Kambal Karibal” pagkatapos ng “The Cure.”

Comments are closed.