MARIAN RIVERA PRIORITY ANG PAGIGING INA

SA GRAND media launch ng new endorsement ni Marian Rivera na Tough Mama sizzling bitsKitchen appliances that was held last September 10 at Seda Hotel, she was asked how she was able to show her support to hubby Dingdong Dantes who is competing at the 2019 Berlin Marathon in Germany on September 29.

“Gusto niya,” she demurely said, “kasama ang buong barangay. Ang da­lawang anak ko saka ako.

“Sabi ko, ‘Dad, sorry talaga.’”

Nakagi-guilty raw talaga dahil alam niyang mahalaga sa kanyang mister ang pagtakbo na first time pa naman niyang gagawin, ‘tapos wala siya. Wrong timing daw talaga dahil may maliit siya. Parang ang hirap naman daw na bitbit niya si Ziggy at kasama pa niya si Zia. Paglaki-laki raw nu’ng isa, kahit saan sila magpunta, kakaladkarin niya siya. Wala siyang reklamo.

But this time, she can’t do it because of the kids.

Anyhow, may naisip namang gawin si Marian para kahit paano ay ma-feel naman ni Dingdong ang suporta nilang mag-anak.

May kinutsaba raw siya na mga katakbo ni Dingdong na magdala ng kanyang picture para pag malapit na, iangat ang kanyang picture para kunwari nandun rin daw siya.

At this juncture, sinabi ni Marian na kailangan talagang magpaka-Tough Mama siya para hindi siya masyadong mag-alala kay Dingdong na mapapasabak sa matagal na takbuhan sa Berlin.

Anyway, nakatutuwang kahit sa Tadhana lang nakikita si Marian, her being a working mom is properly highlighted by way of her endorsements. Mayroon pa siyang naka-sched na ad coming from a popular food chain together with Zia.

PRIMA DONNAS NAKAAALIW

DATI ay doon ako sa kabila nanonood pero magmula nang aksidenteng mapanood PRIMA DONNASko ang Prima Donnas, I don’t know but I somehow could not let a day pass without me watching it. Sayang at hindi ko nasi­mulan ang pagpapalabas nito and it’s only now that I get to watch it but somehow, I’m enjoying the three sisters portrayals which, ironically, I don’t remember their names save for the eldest Jillian Ward.

Pero isang gustung-gusto ko rito ay ang tahimik na portrayal ni Katrina Halili sa kanyang role bilang ina ng tatlong young ladies.

Nakadadalang tunay ang kanyang mga quiet moments sa sementeryo dahil akala niya’y patay na ang kanyang triplets.

Honestly, contrast ang kanyang portrayal rito sa iba niyang soap opera, particularly ‘yung sa kanila rati ni Megan Young kung saan isang repulsive, scheming character ang kanyang gina­gampanan.

Dito sa Prima Donnas, panalo ang kanyang quiet moments lalo na’t naaalala niya ang kanyang triplets na hindi rin naman nakalilimot sa kanya. Lagi rin silang nagbabalik-tanaw sa kanilang nanay lalo na’t hirap na hirap ‘yung dalawa na hawak ng mga sindikato at si Jillian naman ay nagdurusa sa mga kamay ni Elijah. (I don’t know her family name but she happens to be a schoolmate of my daughter Christine in a semi-exclusive school in Novaliches) as Briana who is evil personified in this soap. Hahahaha!

Honestly, I find her portrayal amusing and amazing at the same time. Kidding aside, she (Elijah as Briana) is a good actress and I hope she would be given the chance to do good roles for a change.

Going back to the three kids, they are inexperienced but they acted with the purity of light.  Mapanganga ka sa husay nilang umarte na magpapa-talbog sa ibang di hamak na mas matagal na sa industriya.

Good luck to the cast of Prima Donnas. You have an avid fan in me.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.