TAONG 2014 nang subukan ng Kapamilya actress na si Maricar Reyes-Poon ang paggawa ng cake na may halong chocolate at alak. Nang ipatikim ito ni Maricar sa kanyang hubby singer na si Richard Poon at sa ilang kaibigan ay nataypan nila ang taste nito kaya’t nag-decide ang magandang aktres na gawin na itong business na tinawag niyang “Choco-liquor Cakes by Maricar.”
Dahil sariling recipe ang gamit ay proud si Maricar sa nasabing negosyo na inyong mabibili sa mga Food Bazaar at puwede ring umorder sa online. Available rin ito sa family resto ng kanyang hubby na si Richard na Mr. Poons. Sa career naman ng mag-asawa ay tumatanggap pa rin sila ng proyekto lalo’t wala pa naman silang anak.
YOUNG ACTOR WANNABE TIM RIVERO SABAK AGAD SA INDIE FILM
BASE sa kuwento ni Direk Reyno, nakitaan niya ng potential ang pamangking newcomer actor na si Tim Rivero kaya agad niya itong isinama sa bagong movie na “9 Na Buwan” bilang katambal ni Amaya Vibal. Alam daw ni Direk dahil may ibubuga si Tim, ay kayang-kaya nitong sabayan sa acting ang leading-lady young actress (Amaya) na sanay na sa indie films. Excited na nga raw ito sumabak sa shooting at bilang preparation ay binigyan siya ng tip ng tiyuhing director-producer.
Tim is only 17 yrs. old at matangkad sa height na 5’9.
EAT BULAGA ‘DI PA RIN NATITINAG NG KALABAN
MAS MATAAS pa rin ang rating ng Eat Bulaga ayon sa NUTAM kumpara sa katapat nilang noontime show. Napaka-very loyal naman kasi ng lahat ng dabarkads viewers sa Bulaga kaya ang kalaban ay nganga sa NUTAM survey. Well paano mo ba naman kasi pagsasawaan ang isang programa na tulad ng EB, e lahat na ng segments nila ay hindi lang magbibigay ng happiness sa iyo kundi todo-todong enjoyment pa. Saka priority tutukan ng homeviewers ang Bulaga dahil tulad ng studio audience ay umaasa rin sila na manalo sa mga pakontes ng nasabing longest-running and number one noontime variety show. Dalawa sa most followed portion nila ay ang “Barangay Jokers” at “Juan For All, All For Juan!”
Comments are closed.