MARICEL SORIANO BALIK SA HOME STUDIO

maricel soriano

PAGKATAPOS magkaroon ng special participation sa blockbuster movie na “My 2 Mommies”, balik ang The pointDiamond Star na si Maricel Soriano sa Regal Entertainment.

Hindi lang isa kundi dalawa ang pelikulang gagawin niya pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa dati niyang home studio.

Nakatakdang gawin ni Maricel ang isang family comedy film na ididirek ng kanyang best friend na si Eric Quizon na siya rin niyang director sa “My 2 Mommies”.

Muli namang gagawa ng horror film ang tsinitong director na si Ian Lorenos pagkatapos ng “Haunted Forest” na naging kalahok sa 2017 MMFF kung saan si Ma­ricel ang bida.

Si Maricel ay isa sa mga original Regal babies na humataw ang career noong dekada ’90.

Nasa cast din siya ng upcoming Kapamilya te­leseryeng “The General’s Daughter”.

 

SHARLENE SAN PEDRO ITINANGGI NA BUWAG NA

ANG JAILENE; PATOK ANG TAMBALAN KAY NASH

ITINANGGI ng Kapamilya teen actress at “The Class of 2018” star na si Sharlene San Pedro na buwag na ang Jailene, ang love team nila ni Jairus Aquino.

“Ako naman po kahit kanino, puwedeng i-partner. Open po ako kahit sino ang makakasama ko. Tulad po ni Nash na kasama ko sa movie namin.  Basta kung saan may trabaho, doon po ako,” paliwanag niya.

Hirit niya, gusto rin daw, gumawa ng mga proyekto kung saan wala siyang ka-love team.

“Gusto ko kasing mag-explore. Gusto ko rin namang makagawa ng movies o teleserye na walang ka-partner, Challenge din po na makilala ka on your own na hindi ka identified sa love team,” sey niya.

Paliwanag pa niya, kung may offer daw sa kanilang dalawa, wala raw namang magiging problema sa kanya.

Huling nagkasama ang dalawa sa teleseryeng “Langit Lupa”.

Maganda ang feedback ng The Class of 2018 na palabas pa rin sa mga sinehan.