HAPPY si Mother Lily sa preem ng romcom with a twist ng “My 2 Mommies” dahil sa magagandang feedbacks ng mga nakapanood ng movie. Parehong magagaling sina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff at ang batang gumaganap na anak nila na si Marcus. Laugh trip ako sa pelikula dahil iba ang mga atake nina Direk Eric Quizon at Paolo sa mga eksena para matawa ka lalo pa ng mga hirit at timing ni Pao sa mga eksena niya.
Ang akala ko ay kinalawang na si Maricel Soriano sa pag-arte sa ilang taon niyang pamamahinga pero wala pa ring kupas si Marya sa mga eksena niya with Paolo.
Si Solenn can act kahit umaarya ang mga seksing kasuotan n’ya na feeling ko ay type ni Paolo suotin ang mga outfit ni Solenn sa mga eksena niya.
Ang istilo ng pagpapatawa ni Eric at ni Paolo sa mga eksena ay hindi pilit na kadalasang nangyayari sa mga pelikulang Pinoy kapag komedya ang peg.
Sa tulad ko na hindi madaling patawanin ay makailang beses natawa sa mga hirit ni Paolo sa kanyang mga eksena.
Hindi pilit ang mga comic scene na siyang kadalasan sa mga comedy movie na alam mo na ang kalalabasan.
Like ko ang My 2 Mommies na nagsimula nang ipalabas last Wednesday, May 9 na humakot ng P5.5 million sa unang araw bilang Mother’s Day Presentation ng Regal Entertainment.
Congrats sa mga cast at kina Mother Lily at Roselle Monteverde.
DEREK RAMSAY PINABULAANAN ANG TSIKA NA ‘DI NANINIWALA SA KASAL
PANGATLONG pagkakataon na magsasama sa pelikula sina Derek Ramsay at Bea Alonzo sa pelikula ni Direk Ruel Bayani sa Star Cinema na “Kasal”.
Tipong adult romance ang tema ng pelikula kung saan si Derek ang panggulo sa relasyon nina Bea at Paulo Avelino.
Dahil sa tema ng pelikula ni Derek ay tungkol sa Kasal, marami ang naghihintay kung kailan nga ba ihaharap ng sexy hunk ang girlfriend niya na si Joanne Villablanca na isang modelo na pag may pagkakataon ay isinasama ni Derek sa mga showbiz functions kaya hindi na naiilang ito sa mga entertainement press kapag natatanong at nai-interview.
Sa presscon ay pinabulaanan ni Derek ang tsika at image niya na wala siyang plano magpakasal dahil hindi siya naniniwala sa usaping ito.
Depensa niya at pagpapaliwanag: “That’s not true. I strongly do. My parents have been happily married for 40 years plus. I have the perfect example to follow,” sabi niya.
Rason kung bakit hindi pa rin siya nagpapatali ay paniwala ni Derek ay kailangan niya maging sigurado.”Why it’s taking me so long because I really want to be sure. There’s no option of jumping into that, trying to be in a rush,” paliwanag niya sa press na dumalo sa presscon ng movie nila nina Bea at Paulo na marami ang excited dahil bagong chemistry sa wide screen ang pagkasama ni Paulo sa magiging love triangle nilang tatlo.
Para kay Derek, sacred and kasal at pinaghahandaan ito.” You should take your time. What’s the rush if you should be spending the rest of your life together?” paliwanag pa niya.
Dagdag pa ni Derek tungkol sa isyung Kasal: People fall in love that specific day but kasal or marriage is not that specific day, it’s the rest of your life,” kuwento niya.
Sa pelikula ay makakasama ng tatlong mga bida sina Christopher de Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Ces Quesada, Celeste Le-gaspi, Chris Vilonco, Kylie Versoza, Vin Abrenica, Bobby Andrews, Cai Cortez at ang baguhan na si JC Alcantara. Showing ang adult romance next week May 16 sa mga sinehan nationwide.
Comments are closed.