KINUMPIRMA ni Philippine Navy Spokesman Cdr. Jonathan Zata na may mga kasapi ng Philippine Marines ang kasalukuyang nasa Korea at sumasailalim sa pagsasanay ng kanilang mga counterpart para sa inaasahang delivery ng Korean Amphibious Assault Vehicle (AAV).
Ang mga nasabing AAV ay higit na magpapalawak sa gamit at operation ng Philippine Navy.
Sinasanay ng Republic of Korea Marine Corps (RoKMC) ang mga tauhan ng Phil Marines sa paggamit ng KAAV partikular sa land and sea operations.
Nabatid na inaantabayanan ng Philippine Marine Corps (PMC) ay ang delivery ng walong KAAVs mula South Korean defence company Hanwha Techwin.
Ito ang kompanyang nakakuha ng PHP2.42 billion (USD45.5 million) contract noong Abril 2016 para mag-supply ng AAV sa PMC.
“Ang isang doktrina natin diyan, mayroon tayong tinatawag na limited sea basing, na ‘yung isang battalion ng marines, at any time, naka-embark ‘yan sa landing dock na ‘yan, para kapag kinakailangan na puwede silang magkaroon ng amphibious landing using those AAVs,” ani Zata.
Base sa notice of award mula sa Philippine government procurement website, kailangang i-deliver ng Hanwha Techwin sa loob ng 910 araw upon opening the letter of credit for the order ang mga nasabing AAV at ito ay bago matapos ang 2018 o unang bahagi ng 2019.
Nabatid pa na ang nasabing kompanya na dating Samsung Techwin ay lumalabas na sole bidder para sa kinakailangang amphibious assault vehicle (AAV) ng Filipinas. VERLIN RUIZ
Comments are closed.