MARINES PALALAKASIN PA NG BAGONG LIDERATO

Nathaniel Casem

TUTOK ang bagong komander ng Philippine Marines sa development o pagpapalakas at pagpapaganda ng serbisyo ng nasabing yunit ng Philippine Navy.

Sa kanyang speech sa seremonya ng turnover, sinabi ni bagong Marine Corps Commandant Maj. Gen. Nathaniel Casem na dapat pang i-develop ang organisasyon at handa siyang ipatupad ito kasabay ng pagresponde sa bagong trabaho.

Binigyang diin din ni Casem na bilang isang marino dapat umakto sila sa context of fleet marine concept.

Si Casem ay miyembro ng Philippine Military Academy Class Hi­nirang of 1987.

Noong Lunes ay pinalitan ni Casem si MGen. Alvin Parreño na mistah ni Philippine Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad ng PMA Class Sinagtala of 1986.

Ginawa ang turn-over ceremony sa Philippine Marine Corps headquarters sa Taguig City noong Lunes.

Samantala, muling nilinaw ni Empedrad na wala silang hidwaan ni Parreño at hindi aniya early retirement ang pagbaba ng huli sa puwesto.

Sa katunayan, pinuri pa ni Empedrad si Parreño dahil sa kaniyang outstanding service sa Philippine Marine Corps.

Kumpiyansa naman si Empedrad kay Casem na magagampanan nito ang kaniyang trabaho. EUNICE C.

Comments are closed.