MARIS RACAL BINAWIAN NG ENDORSEMENTS SA PANINIRA KAY PANGULONG DUTERTE

MAY mabigat na problema ngayon ang baguhang actress na si Maris Racal dahil sa sinabi nito laban sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte nahotshots sukang-suka na siya sa pamamalakad ng Pangulo.

Kinumpirma nga ng dating TV host na si Jay Sonza na galit na galit ang mga taga-Davao sa inasal ng young actress. Ang mga tao nga raw sa Davao ang sumuporta sa kanya para manalo siya sa PBB. Kaya hindi akalain ng mga taga-Davao na si Maris pa na kababayan nila ang babatikos sa ating Pangulong Duterte.

Dahil na rin sa mga bash na natatanggap ni Maris ay nalimitahan na ang pagpo-post niya sa social media.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ibinibigay ni Maris ang hinihingi sa kanyang public apology ng mga tagasuporta ng Pangulo.

Pagtatanggol naman ng ama ni Maris na isang fake account daw ‘yun ng kanyang anak at hindi raw magagawa ni Maris ang mga naglabasang paninira sa ating Pangulo.

Pero hindi pinatulan ng bashers ang pagtatanggol ng ama ng young actress dahil mismong Twitter account daw ‘yun ni Maris kaya paano raw magiging fake news ang mga naging pahayag ng actress.

Dahil  sa ginawang paninira ni Maris ay tinanggalan na rin siya o umatras na raw ang mga product na kanyang iniindorso.

Sayang at kung kailan pa nakilala, nabibigyan ng magandang exposure sa showbiz saka pa siya gumawa ng isang bagay na siguradong pinagsisisihan na niya.

 

ANAK NI GARY VALENCIANO NA SI GAB NAGPAPANSIN, PALPAK NAMAN

ISA PA sa gumawa ng eksena na akala siguro ay magiging sandata niya para makilala at sumikat na matagal nang pangarap ay ang anak ni gab valencianoGary Valenciano na si Gab.

Tulad ni Maris ay may sinabi rin na hindi maganda si Gab laban sa Pangulong Rodrigo Duterte kaya ayun, dinagsa rin siya ng mga basher na nagsabing, “you can never be like your father.”

Matatandaang nagpunta pa ng abroad si Gab pero wala ring nangyari  sa hangaring makilala at sumikat.

Dapat niyang tandaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kilala dahil kapag nakita siya ay iisa ang sinasabi,  anak ni Gary Valenciano.

Dapat tularan niya ang kanyang ama na nakitang maganda ang ginagawa ng Pangulo kaya dapat suportahan at hindi sinisiraan ng  wala naman siyang basehan.

Comments are closed.