LANAO DEL SUR-NABARIL at napatay ang 31-anyos na Maritime Police habang nakaligtas naman ang kasama nito makaraang tambangan ng terror group sa bayan ng Marantao sa lalawigang ito kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktimang pulis na si P/ Cpl Joel Apduhan, nakatalaga sa Lake Lanao sa Marawi City habang nakaligtas naman kasamahang sibilyan na si Sajidi Shagit.
Base sa police report na nakarating kay Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Madzghani Mukaraam, pabalik na sa kampo sina Apduhan at Shagit mula sa tailoring shop nang dinikitan at ratratin sila ng mga armadong kalalakihan
Sinasabing pumalya ang hawak na cal. 9mm pistol ng nasabing gunman kaya nakaligtas si Syagit subalit napuruhan naman sa leeg si Apduhan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.