MAROONS DINAGIT ANG FALCONS

Mga laro sa Sabado:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – UE vs AdU (Women)
10 a.m. – UP vs FEU (Women)
2 p.m. – UE vs AdU (Men)
4 p.m. – UP vs FEU (Men)

HUMABOL ang defending champion University of the Philippines mula sa 16-point deficit sa first half at sumandal kay Terrence Fortea sa overtime upang pataubin ang Adamson, 87-78, at manatiling walang talo sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Philsports Arena.

Impresibo si Fortea sa extra session, isinalpak ang back-to-back triples at pinasahan si Malick Diouf para sa slam dunk upang bigyan ang Fighting Maroons ng 82-74 kalamangan, may 2:28 sa orasan.

Patuloy na nagningning sa pagliban ni injured guard JD Cagulangan, si Fortea ay nagtala ng 12 points, 5 assists, 3 steals at 2 rebounds sa 34 minutong paglalaro.

“Terrence really picking up naman since before na mag-start,” wika ni Fighting Maroons coach Goldwin Monteverde. “Last season was a big adjustment for him kasi for that position but this season, I think unti-unti, siguro habang wala si Maimai (JD Cagulangan), nabibigyan siya ng time at nag-iimprove siya.”

“Hopefully, pagbalik ni Maimai, at least puwede silang magsabay,” dagdag pa niya.

Nanguna si Zavier Lucero para sa Fighting Maroons na may 15 points, 7 rebounds at 4 assists habang nagtala si Diouf ng Senegal ng double-double outing na 13 points at 12 boards na sinamahan ng 4 blocks at 4 assists.

Tumirada si Jerom Lastimosa ng 25 points, 6 assists at 6 rebounds habang nagdagdag si Congo’s Lenda Douanga ng 11 points, 8 rebounds at 3 blocks para sa Adamson, na nahulog sa 0-2.

Nalusutan ang pagliban ni Evan Nelle, pumasok ang La Salle sa win column nang kumawala sa third quarter at pataubin ang University of Santo Tomas, 83-63.

Nauna rito ay ipinalasap ng University of the East sa Far Eastern University ang worst start sa loob ng 16 taon sa 76-66 win panalo.

Ang Green Archers at Red Warriors ay tabla ngayon sa Growling Tigers sa 1-1.

Makaraang magpasabog ng 33 points sa opener, nakagawa lamang si UST sniper Nic Cabañero ng 10 points sa 5-of-20 shooting.

“We scouted them against Adamson. We came out and execute the things we wanted to do,” sabi ni coach Derrick Pumaren.

Nanguna si Schonny Winston para sa Green Archers na may 19 points, 5 rebounds, 3 assists at 2 steals, tumipa si CJ Austria ng 13 points, habang umiskor sina rookie Kevin Quimabao at Mike Phillips ng tig-11 points. Nakumpleto ni Phillips ang double-double na may 12 boards.

Ito ang unang 0-2 start ng FEU magmula nang matalo ng apat na sunod noong 2006.

Iskor:
First Game:
UE (76) — K. Paranada 25, Tulabut 9, Villegas 8, N. Paranada 8, Pagsanjan 7, Sawat 6, Payawal 5, Stevens 4, Alcantara 2, Antiporda 2, Remogat 0, Beltran 0.
FEU (66) — Sleat 15, Añonuevo 10, Torres 8, Alforque 6, Bautista 6, Gonzales 5, Tempra 5, Tchuente 4, Gravera 3, Sandagon 2, Songcuya 2, Guibao 0, Ona 0.
QS: 18-19, 38-36, 63-44, 76-66

Ikalawang laro:
UP (87) — Lucero 15, Diouf 13, Fortea 12, Tamayo 11, Alarcon 9, Gonzales 9, Spencer 8, Galinato 3, Ramos 3, Torculas 2, Calimag 2, Abadiano 0.
AdU (78) — Lastimosa 25, Douanga 11, V. Magbuhos 10, Sabandal 10, Hanapi 8, Yerro 4, Jaymalin 3, Manzano 2, Barasi 2, W. Magbuhos 2, Flowers 1, Colonia 0, Torres 0, Barcelona 0.
QS: 19-17, 31-47, 58-62, 74-74, 87-78

Ikatlong laro:
DLSU (83) — Winston 19, Austria 13, M. Phillips 11, Quiambao 11, Estacio 6, Abadam 6, B. Phillips 5, Nonoy 3, Blanco 3, Manuel 2, Nwankwo 2, Cortez 2, Escandor 0, Macalalag 0, Buensalida 0.
UST (63) — Pangilinan 11, Faye 10, Cabañero 10, Manalang 10, Garing 6, Lazarte 5, Escobido 4, Mantua 3, Calimag 3, Laure 1, Manaytay 0, Duremdes 0, Magdangal 0, Herrera 0, Gesalem 0.
QS: 30-21, 47-40, 65-46, 83-63.