Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – DLSU vs NU (Men)
1 p.m. – Ateneo vs AdU (Men)
4:30 p.m. – UE vs UP (Men)
6:30 p.m. – UST vs FEU (Men)
PINATAOB ng defending champion University of the Philippines ang Ateneo sa overtime, 76-71, sa kapana-panabik na Finals rematch upang sumalo sa liderato sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.
Nakumpleto ni Carl Tamayo, nakakuha ng malaking break sa goaltending violation ni Ange Kouame, ang three-point play sa 1:47 mark upang bigyan ang Fighting Maroons ng 71-66 kalamangan nang tapyasin ng Blue Eagles ang deficit sa 71-73 sa likod ni Forthsky Padrigao.
Makaraang ma-split ni Tamayo ang kanyang charities upang bigyan ang kanyang koponan ng three-point lead sa huling 18 segundo, tinangka ng Ateneo na baligtarin ang pangyayari sa mga huling segundo subalit nabigo ito.
Tumapos si Tamayo na may 20points, 13 rebounds at 3 assists at tumabla ang UP sa National University sa ibabaw ng standings na may 4-1record.
Nauna rito, nakasalo ng University of the East ang La Salle at Ateneo sa third place sa 3-2 kasunod ng 78-68 panalo kontra University of Santo Tomas.