Standings W L
UP 3 0
Ateneo 2 0
DLSU 1 1
NU 1 1
UST 1 1
AdU 1 2
UE 1 2
FEU 0 3
Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – UST vs NU (Women)
10 a.m. – DLSU vs Ateneo (Women)
12 noon – UST vs NU (Men)
4:30 p.m. – DLSU vs Ateneo (Men)
NALUSUTAN ng defending champion University of the Philippines ang isa na namang nail-biter, isang 73-67 victory kontra Far Eastern University upang manatiling walang dungis sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Isinalpak ni Carl Tamayo ang dalawang key jumpers sa huling 2:46 upang tulungan ang Fighting Maroons na hilahin ang kanilang unbeaten run sa tatlong laro.
Naghahabol sa 67-70, nakakuha ng break ang Tamaraws nang tawagan si Harold Alarcon ng unsportsmanlike foul kay Ljay Gonzales na nagbigay sa kanila ng ball possession, may 50.1 segundo ang nalalabi.
Subalit hindi nasamantala ng FEU ang pagkakataon nang magmintis si Gonzales sa potential game-tying triple.
Umiskor si Terrence Fortea, patuloy na nag-step up sa pagliban ni injured JD Cagulangan, ng career-high 17 points, kabilang ang dalawang pressure-packed free throws mula sa foul ni Jorick Bautista sa huling 28.2 segundo na nagselyo sa panalo ng UP.
Tumapos si Tamayo na may 16 points, 6 rebounds, at 3 assists, nagdagdag si Senegal’s Malick Diouf ng 11 points at 11 rebounds, habang nagdagdag si Zavier Lucero ng 10 points para sa Fighting Maroons.
“I’m happy but there’s is still a lot of work on sa team namin,” sabi ni Tamayo.
Nauna rito, tumipa si Joem Sabandal ng 16 points habang nagdagdag si Jerom Lastimosa ng 11 points at 7 rebounds para sa Adamson na nakopo ang unang panalo kontra University of the East, 74-61.
Nahulog ang Tamaraws sa 0-3, ang kanilang pinakamasamang simula magmula nang matalo sa kanilang unang apat na laro noong 2006.
Nanguna si Ximone Sandagon para sa FEU na may 20 points at 7 rebounds habang umiskor sina Gonzales at Patrick Sleat ng tig-11 points.
Sa women’s division, naiposte ni Kaye Pesquera ang 20 sa kanyang 22 points sa second half nang maitarak ng UP ang 73-56 panalo kontra FEU upang umangat sa solo third na may 2-1kartada.Dindy Medina shot 23 points as Adamson rout UE, 97-69, to enter the win column after two straight losses.
Iskor:
Unang laro:
AdU (74) — Sabandal 16, Lastimosa 11, V. Magbuhos 9, Douanga 9, Manzano 6, Hanapi 6, Colonia 5, Yerro 4, Flowers 4, Torres 2, Barcelona 2, Jaymalin 0, Barasi 0, W. Magbuhos 0, Fuentebella 0.
UE (61) — Villegas 15, Payawal 12, K. Paranada 8, Pagsanjan 7, Sawat 7, Stevens 6, N. Paranada 4, Tulabut 2, Alcantara 0, Remogat 0, Antiporda 0, Beltran 0.
QS: 23-9, 38-31, 49-45, 74-61
Ikalawang laro:
UP (73) — Fortea 17, Tamayo 16, Diouf 11, Lucero 10, Alarcon 8, Abadiano 7, Eusebio 2, Calimag 1, Torculas 1, Spencer 0, Ramos 0, Lina 0.
FEU (67) — Sandagon 20, Sleat 11, Gonzales 11, Añonuevo 9, Bautista 7, Torres 5, Alforque 2, Celzo 2, Tempra 0, Tchuente 0, Guibao 0.
QS: 10-23, 41-42, 57-60, 73-67.