Mga laro ngayon:
(Ynares Center)
2 p.m. – Ateneo vs NU (Men)
4 p.m. – UST vs FEU (Men)
ANTIPOLO – Napanatili ng University of the Philippines ang kapit sa No. 2 spot habang pinutol ng La Salle ang two-game slide sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Ynares Center dito.
Inapula ng Fighting Maroons ang mainit na paghahabol ng University of the East mula sa 13-points deficit upang maitakas ang 62-56 panalo.
Naisalpak ni Andrei Caracut ang dalawang malalaking triples sa huling 57 segundo at naibalik ng Green Archers an kanilang winning ways sa pamamagitan ng 68-61 panalo kontra Adamson.
Pinalawig ang kanilang winning streak sa tatlong laro, ang UP ay umangat sa 4-1 kartada sa likod ng defending two-time champion Ateneo na may 5-0 record.
Umakyat ang La Salle sa 2-3, kalahating laro ang agwat sa fourth-running Falcons, na bumagsak sa 3-3.
Bagama’t hindi sila nalamangan, ang Maroons ay naharap sa matinding hamon laban sa Red Warriors, lalo na sa second half.
Humabol ang UE at lumapit sa 56-57 sa lay-up ni Harvey Pagsanjan, may 1:54 ang nalalabi.
Tumugon si Jaydee Tungcab ng isang corner triple na nagbigay sa UP ng 60-56 bentahe, may 1:38 sa orasan.
“We had lots of lapses, but in the end it was Jaydee that saved us with his three-point shot in the corner,” wika ni UP mentor Bo Perasol.
Iskor:
Unang laro:
UP (62) –Akhuetie 16, Ja. Gomez de Liano 15, Paras 12, Rivero 7, Tungcab 4, Ju. Gomez de Liano 3, Manzo 3, Webb 2, Murrell 0, Prado 0, Spencer 0.
UE (56) – Diakhite 21, Abanto 9, Tolentino 8, Antiporda 6, Pagsanjan 6, Suerte 4, Cruz 2, Manalang 0, Mendoza 0, Natividad 0.
QS: 23-15, 39-27, 46-42, 62-56
Ikalawang laro:
DLSU (68) – Baltazar 21, Caracut 15, Malonzo 12, Manuel 6, Lojera 5, Melecio 4, Bates 3, Bartlett 2, Cagulangan 0, Cu 0, Meeker 0, Pado 0, Serrano 0.
AdU (61) – Ahanmisi 13, Chauca 13, Camacho 12, Mojica 9, Douanga 7, Lastimosa 3, Fermin 2, Zaldivar 2, Bernardo 0, Flowers 0, Magbuhos 0, Manlapaz 0, Yerro 0.
QS: 15-21, 41-32, 52-49, 68-61