MAROONS UMARIBA (Solong ika-2 puwesto inangkin)

Maroons

Mga laro sa Sabado:

(Ynares Center)

2 p.m. – UE vs UP (Men)

4 p.m. – DLSU vs AdU (Men)

IPINALASAP ng University of the Philippines sa National University ang isa pang  heartbreaking loss at kalaunan ay kinuha ang solo second place nang mabigo ang University of Santo Tomas sa Adamson sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Naitakas ng Fighting Maroons ang 80-79 panalo laban sa inaalat na Bulldogs, habang hindi pinaiskor ng Falcons ang Growling Tigers sa huling 3:13 upang itarak ang 78-71 win.

Umangat sa 3-1 overall, ang UP ay lumapit ng isang laro sa defending two-time champion Ateneo (4-0),  habang tabla na ngayon ang Adamson at UST sa ikatlong puwesto na may 3-2 kartada.

Sa iba pang laro, giniba ng Far Eastern University ang La Salle, 66-55, upang iposte ang ikalawang panalo sa apat na laro. Bumagsak ang Green Archers sa 1-3 kartada.

Sa kanyang ikalawang laro sa UAAP,  kuminang si second generation player Kobe Paras para sa Maroons na may 25 points, 6 rebounds at 2 assists, habang naitala ni reigning MVP Bright Akhuetie ang kanyang ikatlong sunod na double-double na may 19 points at 12 rebounds.

Tumipa si Jerrick Ahanmisi ng 24 points, 4 boards at 3 assists, habang nagdagdag si Val Chauca ng 18 points, 8 assists at 6 boards para sa Falcons.

Nanguna si Benin’s Soulamane Chabi Yo para sa Tigers na may 17 points at 15 boards at tumapos si Rhenz Abando na may 9 points.

Iskor:

Unang laro:

UP (80) – Paras 25, Akhuetie 19, Ja. Gomez de Liaño 17, Tungcab 6, Manzo 4, Rivero 4, Longa 3, Murrell 2, Ju. Gomez de Liaño 0, Gozum 0, Jaboneta 0, Prado 0, Spencer 0.

NU (79) – D. Ildefonso 25, Gaye 13, S. Ildefonso 13, Gallego 9, Joson 8, Minerva 7, Clemente 2, Mosqueda 2, Diputado 0, Galinato 0, Malonzo 0, Oczon 0, Tibayan 0, Yu 0.

QS: 18-23, 44-36, 67-59, 80-79

Ikalawang laro:

AdU (78) – Ahanmisi 24, Chauca 18, Douanga 9, Fermin 7, Lastimosa 6, Mojica 5, Magbuhos 4, Camacho 3, Manlapaz 2, Bernardo 0, Flowers 0, Yerro 0, Zaldivar 0.

UST (71) – Chabi Yo 17, Cansino 10, Concepcion 10, Nonoy 10, Abando 9, Subido 6, Huang 4, Paraiso 3, Pangilinan 2, Ando 0, Caunan 0, Cuajao 0.

QS: 19-15, 33-38, 48-58, 78-71

Ikatlong laro:

FEU (66) – Tchuente 19, Comboy 11, Bienes 9, Eboña 8, Alforque 7, Gonzales 5, Tuffin 4, Torres 3, Cani 0, Nunag 0, Stockton 0.

DLSU (55) – Malonzo 20, Caracut 10, Baltazar 6, Serrano 6, Melecio 5, Bates 2, Lojera 2, Meeker 2, Pado 2, Manuel 0.

QS: 19-14, 36-24, 49-43, 66-55

Comments are closed.