MARUYA O BANANA FRITTERS (Simpleng lutuin at masarap)

MARUYA

SAGING ang kadalasang mayroon tayo sa kusina. Maraming puwedeng gawin sa saging.  Kung saging na lakatan, puwede mo itong lagyan ng gatas at kainin. Puwede mo rin itong ihalo sa quaker oats. O kaya naman, kung mahilig kang mag-bake, puwedeng-puwede kang gumawa ng banana cake.

Pero kung may saging na saba ka naman, isa sa maaari mong gawin ay ang  pinakasimple—prito lang. Pero swak din naman kung gagawa ka ng turon. Pero bukod pa riyan, isa pang recipe na maaari ninyong subukan ay ang banana fritters. Tiyak na hindi lamang ito swak sa inyong bulsa kundi swak na swak din ito sa panlasa ng buong pamilya.

Simpleng-simple lang naman itong gawin dahil pagsasamahin mo lang ang mashed banana, egg, flour, butter, baking powder at milk.  Madali lang din itong gawin dahil kung ayaw mong iprito, puwedeng-puwede mo itong i-bake. Puwede rin namang may glaze ang banana fritters na gagawin mo.

Kung ikaw din kasi ang gagawa, puwede mong bawasan ang tamis nito. Kung gusto naman ng pamilya mo na medyo matamis, puwede mo ring dagdagan ang lasa.  Kumbaga, hawak mo ang magiging lasa ng lulutuin mo kumpara kung bibili ka na lang sa kung saan-saan.

Napakarami nga naman nating puwedeng gawin sa saging. Kung mahilig nga naman kayo sa saging, isa ito sa puwede ninyong subukan. Bukod sa masarap na, napakadali pang gawin at swak na swak sa panlasa ng buong pamilya. Kaya’t subukan na. CT SARIGUMBA

Comments are closed.