MARVIN AGUSTIN KINAIINISAN PERO KINATUTUWAAN

marvin-agustin

KUNG may naiinis sa character ni Marvin Agustin sa “Kambal Karibal” te­leserye kasama sina Carmina showbiz eyeVillarroel, Alfred Vargas at sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, marami namang natutuwa sa kanya dahil siya ang nagbibigay ng comedy sa mga dialogues at eksenang ginagawa niya, lalo na kung masyadong seryoso ang mga pinapanood nilang eksena.

Nag-post si Marvin sa kanyang Instagram: “ Hello Diego (Miguel), Crisan (Bianca), Cheska (Kyline) & Crisel (Pauline).  Isama na natin si Black lady na dahil sa kasamaan ko e parang anak na rin kita.

Pinag-uusapan lang namin ng mga magulang niyo (Alfred & Carmina) kung ano pa puwedeng pagpapahirap na puwede kong gawin sa inyo habang enjoy na enjoy ang mga tao sa mga kabaliwan ko. Pumayag sina Geraldine (Carmina) at Allan (Alfred), nakakatuwa naman kasi naintindihan nila na may mabuting naidudulot ang kasamaan ko.

Manood po kayo gabi-gabi para humaba pa ang “Kambal Karibal” na maaaring maging triplets or quadruplets sila dahil ‘yan sa pagmamahal na pinapa­ramdam n’yo sa amin.

Maraming salamat mga Kapuso. Love, Poging Pogi Raymond.”  P.S. Makoy, parekoy (Jeric Alcantara, na namatay na sa story).

Si Marvin ay si Raymond na obsessed sa pagmamahal kay Geraldine, at lahat ng kasamaan ay ginawa niya para lamang mahiwalay ito sa asawang si Allan. Ang dami niyang kasamaang ginawa sa lahat ng characters, kahit sa tunay na anak niyang si Diego, na hindi niya matanggap. May siyam na buhay yata, parang pusa, nakaligtas siya lahat sa mga aksidente, pagkabaril, kahit iyong huli last Wednesday evening episode, na bumaligtad ang sinasakyan nilang kotse ni Diego, pero buhay pa rin siya, iyong kasamaan niya, sa halip na tulungang makalabas sa sasabog na kotse ang anak, iniwanan niya ito at siya ay nakatakas muli. Sumunod na eksena, maayos na siya at muling nakatakas sa mga humahabol na pulis. Ano kaya ang magiging ending ng character ni Raymond?

Napapanood ang “Kambal Karibal” gabi-gabi pagkatapos ng “The Cure.”

GABBY CONCEPCION ENJOY AS GUEST BLUFFER NI EUGENE DOMINGO

gabby-concepcionHABANG wala pang bagong regular soap si Gabby Concepcion sa GMA 7, ini-enjoy niya ang pagiging guest bluffer sa “Celebrity Bluff” hosted by Eugene Domingo, every Saturday, after “Magpakailanman.” Nagpapalitan sila roong maging bluffer ni John Estrada na isa pang paboritong guest bluffer dahil game na game sila sa mga ipinagagawa sa kanila ni Uge with the celebrity contestants.

Ini-enjoy din ni Gabby ang pagtanggap sa mga invitations all over the Philippines para mag-show at maging guest singer na nagsi-serenade sa mga contestants sa mga beauty pageants.  Masaya siya dahil nalilibot daw niya ang Fi­lipinas sa pamamagitan ng mga show niya.  Mahusay ang manager niyang si Popoy Caritativo, dahil maayos ang kanyang schedule na hindi nagkakaroon ng conflict kahit sunud-sunod ang shows niya.

Hindi lamang iyon, regular singer din si Gabby sa branches ng Casino Filipino sa iba’t ibang lugar sa bansa.

May balitang gagawa ng movie si Gabby with Aiko Melendez, pero wala pa kaming details tungkol dito.

Comments are closed.