MAS MAAYOS NA HUDIKATURA SA 2019 NAIS NI CJ BERSAMIN

Lucas Bersamin

MAS MAAYOS  na Hudikatura ang nais ni Chief Justice Lucas Bersamin sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ito ang new year’s message ni Bersamin kung saan tinawag niyang mapanghamon ang taong 2018 matapos patalsikin si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado sa pamamagitan ng quo warranto.

Umaasa si Bersamin na magsisilbing bagong pagkakataon ang susunod na taon para mapahusay pa ang Hudikatura pati na rin ang buong bansa.

Umaasa rin  ito  na ang mga Filipino ay magiging instrumento ng Panginoon at magiging tulay tungo sa kapayapaan at hustisya. DWIZ882

Comments are closed.