MAS MABABANG SINGIL SA KURYENTE NG MERALCO AT PATULOY NA PAGPAPABUTI NG SERBISYO

Inanunsyo ng Meralco ang P0.7213 kada kWh na bawas singil sa kuryente ngayong Hulyo kaya nasa P11.1899 kada kWh ang overall rate ngayong buwan.

UPANG makapaghatid ng sulit at ­maaasahang serbisyo ng kuryente, ­patuloy na ­nagsusumikap ang Manila Electric ­Company (Meralco) na mapanatiling abot-kaya ang singil nito sa halos 7.7 milyong customer.

Kamakailan lamang, inanunsyo ng Meralco ang P0.7213 kada kWh na bawas singil sa kuryente ngayong Hulyo kaya nasa P11.1899 kada kWh ang overall rate ngayong buwan mula sa P11.9112 kada kWh noong Hunyo. Ang nasabing tapyas ay ang pinakamalaking kabawasan sa singil sa kuryente ng Meralco ngayong taon.

Ayon kay Meralco Vice President at Corporate Communications Head na si Joe R. Zaldarriaga, ang mas mababang singil sa kuryente ay dulot ng mas mababang generation charge dahil na rin sa mas murang mga singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), mga Power Supply Agreement (PSA), at mga Independent Power Producer (IPP).

Nagtala naman ng kabuuang P0.0777 kada kWh na pagbaba ang singil sa transmission at iba pang bill component kagaya ng buwis at subsidiya.

Samantala, wala pa ring pagbabago sa distribution charge ng Meralco simula noong bumaba ito ng P0.0360 kada kWh para sa tipikal na residential customer noong Agosto 2022.

Pagpapabuti ng serbisyo ng kuryente
Higit pa sa usapin ng singil, nakatuon ang Me­ralco sa tuluy-tuloy na pagpapabuti ng serbisyo nito sa mga customer sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga network distribution facility, at sa tulong na rin ng digital transformation.
Aktibong nagsasagawa ang Meralco ng mga maintenance activity at tuluy-tuloy rin ang pagtatayo nito ng mga substation para matugunan ang lumalaking demand sa kuryente.

Sa katunayan, dahil sa mga ganitong proyekto ng Meralco, nakamit ng distribution utility ang all-time best reliability performance nito noong 2022 matapos magtala ng mas kaunti at mas maikling pagkaantala sa serbisyo ng kuryente.

Bumaba ng 8% ang total System Average Interruption Frequency Index (“SAIFI”) ng Meralco na sumusukat sa dalas ng pagkaantala ng serbisyo ng kuryente kada customer, habang bumuti naman ang System Average Interruption Duration Index (“SAIDI”) o ang sumusukat sa tagal ng pagkaantala ng serbisyo ng kuryente.

Bukod pa dito, prayoridad din ng Meralco ang pagsusulong ng digitalization para mas lalo pang maging epektibo ang operasyon nito at mapabuti pa ang serbisyong hatid nito sa mga customer.

Nakatuon ang Meralco sa tuluy-tuloy na pagpapabuti ng serbisyo nito sa mga customer sa pamamagitan ng ­pagpapalakas ng mga network distribution facility nito.

Inilunsad ng Meralco ang mga proyekto nitong naka­tuon sa digital transformation katulad na lamang ng Customer Centricity Transformation Program and Digital Projects na naglalayong iangat pa ang pagka-episyente ng operasyon at mga serbisyo ng distribution utility.

Bahagi ng nasabing programa ang paglulunsad ng Meralco Data Platform (MDP) noong 2021 na naglalayong mas mapaganda pa ang karanasan ng mga customer tuwing nakikipag-ugnayan sa distribution utility. Sa pamamagitan ng MDP, agad na nabibigyang pansin ng Meralco ang mga distribution transformer nito na kailangan ng maintenance activity upang matiyak ang na tuluy-tuloy ang serbisyo ng kuryente.

Suporta sa pamahalaan
Batid ng Meralco ang kahalagahan ng responsibilidad nito sa publiko kaya naman aktibong sumusuporta rin sa pamahalaan ang distribution utility.

Mula sa pagtitiyak ng maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente, katuwang din ng pamahalaan ang Meralco sa iba’t-ibang mga programa nito na naglalayong matulungan ang mas madami pang Pilipino.

Kamakailan lamang, nagbigay ng 500 desktop computer ang Meralco sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) para sa 166 na lokal na pamahalaan sa bansa upang mapabilis at maging digital ang kanilang operasyon at lalong mapabilis pa ang serbisyong hatid nila sa publiko.

Nagpahatid din ng suporta ang Meralco sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa kampanya nito laban sa ipinagbabawal na droga na tinawag na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA). Pumirma ang Meralco ng isang memorandum of understanding kasama ang DILG bilang suporta sa layunin nitong puksain ang pagkalat ng droga sa bansa.

Ang mga nasabing proyekto ng Meralco katuwang ang pamahalaan ay patunay lamang na higit pa sa paghahatid ng serbisyo ng kuryente ang papel na ginagampanan ng kumpanya sa bansa.

Katuwang din ng pamahalaan ang Meralco sa iba’t-ibang mga programa nito na ­naglalayong matulungan ang mas madami pang Pilipino. Isang halimbawa dito ay ang kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na droga sa ilalim ng BIDA Workplace.

Kahandaan sa tag-ulan
Bilang pinakamalaking distribution utility sa bansa, malaki rin ang pagpapahalaga ng Meralco sa kaligtasan kaya naman tuluy-tuloy ang paghahanda nito ngayong tag-ulan, lalo na at sa ganitong panahon madalas tumama ang malalakas na bagyo sa bansa.

Regular na nagsasagawa ang Meralco ng mga tree-trimming at iba pang proyekto para matiyak na ligtas ang mga pasilidad nito sa lahat ng oras.

Hinihikayat din ng Me­ralco ang mga customer nito na tumulong sa paghahanda ngayong tag-ulan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo para matiyak ang kaligtasan ng mga electrical na pasilidad.

Ilan sa mga tip na ipinapayong gawin ng mga customer ay ang pagpatay ng main electrical power switch o ang circuit breaker kapag may pagbaha pati na rin ang pagsisiguro na laging tuyo ang kanilang mga kamay kung hahawak ng mga electrical na pasilidad at mga appliance.

Dapat din panatilihing tuyo ang lahat ng mga kable, connector, at iba pang mga de-kuryenteng kagamitan. Sakaling mabasa ang mga saksakan at mga appliance, ipasuri muna ang mga ito sa isang lisensyadong electrician bago muling gamitin.

Mula sa patuloy na pagsusumikap upang mapanatiling abot-kaya ang singil sa kuryente hanggang sa walang humpay na pagpapabuti ng operasyon nito, makakaasa ang mga customer ng Meralco na patuloy itong maghahatid ng maaasahan, mahusay at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente.