MAS MATAAS NA KOLEKSIYON NG BUWIS INAASAHAN

Erick Balane Finance Insider

MAS mataas na buwis ang inaasahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na  makokolekta ngayong taon.

Posibleng higit itong mataas kumpara sa nakolekta nang ipatupad ang TRAIN Law o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion noong 2018.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ito ay sa sandaling ipatupad ng BIR ang 2nd package ng TRAIN Law na tinawag na TRABAHO (Tax Reform for Attracting Better and Highly-Quality Opportunities) bill na inaprubahan ng Kongreso kamakailan.

Layunin ng TRABAHO bill na maibaba ang corporate income tax rate at ma-rationalize ang corporate incentives na pabor sa mga negosyante.

Kumpiyansa rin Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na tataas ang koleksiyon ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay sa excise tax ngayong taon, gayundin sa sugar-sweetened beverages.

Matapos ang pinsalang idinulot ng COVID-19 pandemic  nitong 2020-2021 na nagresulta ng bahagyang shortfall sa tax collections ng BIR at Bureau of Customs (BOC), nakabawi naman agad ang dalawang ahensiya at nahabol ang tinamong shortfall sa buwis.

Sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinibak sa puwesto nina Commissioner Dulay at BOC Chief Rey Guerrero ang mga korap na opisyal at kawani sa kanilang mga ahensiya.

Magpapatuloy pa rin ang sibakan sa BIR at BOC, gayundin ang reshuffle ng mga key official sa layuning mapalakas pa ang koleksiyon sa buwis at makuha ang iniatang sa kanilang  tax collection goal sa taong 2021.

Sa isang statement, sinabi ng DOF na ang excise tax collections mula buwan ng Enero hangang Oktubre noong nakaraang taon ay umabot sa P29.92 bilyon. Sa nasabing halaga, P29.74 billion ay mula sa BIR’s Lagarge Taxpayers Service habang ang P184.4 million naman ay mula sa iba pang uri ng buwis.

Ang excise tax sa mga inumin (drinks) ay nilalaman ng Republic Act 10963 ng TRAIN Law na nilagdaan ni Pangulong Digong noong 2017 at ipinatupad taong 2018.

Inamin ng DOF na  bahagyang bumaba ang koleksiyon sa  excise tax, ngunit umaasa silang makababawi rin ito bago magtapos ang 2021.

Sa unang TRAIN Law ay binigyan ng exemptions sa VAT (value added tax) ang mga gamot sa diabetes, high colesterol at hypertension, alinsunod sa joint administrative order ng DOF, BIR at Food and Drug Administration (FDA) na naaayon sa Section 109 ng National Internal Revenue Tax Code (NIRTC).

Kasabay ring ipinatupad ng BIR noong  2020 ang pagtataas o pagpapataw ng karagdagang P2 sa excise tax ng gasolina at diesel kada litro, gayundin ng karagdagang P1 sa bawat  kilogram ng LPG  at dagdag pa uling P1 sa bawat  litro naman ng kerosene products.

May pending tax bills din sa Kongreso at Senado tunkol sa mga sumusunod na panukala:

– Real property valuation and assessment reform (package 2 TRAIN law) ukol sa mandating ng Bureau of Local Government and Finance to develop and maintain uniform valuation standard sa schaedules ng market values; HB No. 8645, (package 4 TRAIN law) –  ukol sa passive income and financial intermediary para magkaroon ng tax system sa financial sector fairer at maging episiyente at regionally competitive ang probisyon sa pagsasama ng yearly reduction ng final tax sa stocks on transactions mula sa 0.6 percent para maging 0.1 percent na lamang sa tax rates ng capital gains sa unlisted stocks ng kapwa individuals at corporations upang maging unitary final tax rate na 15 percent.

Ibig sabihin nito, magiging fixed na sa 5 percent mula sa dating 7 percent ang tinatawag na security type ng nature and maturity rate, gayundin ang pagbaba sa percentage rate ng documentary stamps tax rate mula sa kasalukuyan.

vvv

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].

2 thoughts on “MAS MATAAS NA KOLEKSIYON NG BUWIS INAASAHAN”

  1. 45799 714993Someone essentially assist to make severely posts I may state. That could be the really 1st time I frequented your internet site page and so far? I surprised with the analysis you made to create this particular submit incredible. Magnificent task! 215182

Comments are closed.