INATASAN ni Subic Bay Metropolitan Authority Chairperson and Administrator Wilma T. Eisma ang Subic Bay International Terminal Corp. (SBITC) na magsagawa ng mass testing makaraang magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 14 empleyado nito.
Nasa 238 na mga manggagawa na kinabibilangan ng shift workers, port users, security personnel, canteen staff, at SBMA checkers ang sasailalim sa testing.
Ayon kay Eisma, isang trabahador mula sa Olongapo City ang positibo sa COVID-19 subalit wala naman travel history ito sa high-risk area.
Dahil dito, ipinag-utos ni Eisma ang pagsasagawa ng disinfection sa buong terminal complex.
Aniya, nakikipagtulungan ang SBITC para mapigilan ang pagkalat at hawaan ng COVID-19 ang iba pang mga mangaggawa. ROEL TARAYAO
Comments are closed.