MASTER PLAN SA SUBIC BAY NAISAPINAL NA NG DOF

Finance Secretary Carlos Dominguez III-3

NAISAPINAL na ng Department of Finance (DOF) sa tulong ng survey mission team ng Japan Cooperation Agency (JCA) ang Subic Bay Development Master Plan.

Magsisilbi itong blueprint para sa pagpapaunlad ng Subic Bay at mga lugar na nasa paligid nito.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, saklaw ng plano ang pagpapataas ng board capacity ng Subic Bay at pagtatayo ng mga imprastraktura, pagdudugtong sa mga bayan na nakapalibot dito.

Kabilang na rito ang road network para sa central business distirct ng Olongapo at Subic Bay West Coast, gayundin ang logistics terminals tulad ng Alava warf.

Ayon kay Dominguez, layunin nitong matulungang mapaluwag ang Metro Manila at mapalakas ang kakayahan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng mga bagong support facility nito.

Inaasahan ding li­likha ito ng mga trabaho at aakit ng mga bagong mamumuhunan sa bansa. BETH C.