MASUSUSTANSIYANG PAGKAIN, KAILANGAN NG MGA BATA SA ELEMENTARYA-POE

Senadora Grace Poe-3

MULING iginiit ni Sen Grace Poe ang lubos na pagpapatupad sa Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act para sa malinis, masustansiya, masarap, at mainit na tanghaliang libre sa mga bata sa public schools na kulang ang nutrisyon.

“Pagmamahal sa mga bata, natutuhan ko iyan sa aking ama (Fernando Poe Jr.)  kaya isa sa batas na ipinasa natin sa Senado ay tulong para sa kinabukasan nila,” ani Poe kaugnay sa Republic Act No. 11037 o National Child Feeding Law para sa mga mag-aaral sa elementarya sa pampublikong paaralan.

Para kay Poe, wala dapat gutom na bata sa mga paaralang elementarya sa buong bansa kaya una niya itong ipinanukala sa Sena-do at naging batas nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 20, 2018.

“Kaya nga sa unang araw ko sa Senado, itinulak ko ang pagpasa ng batas na ito dahil walang kapatawaran kung hindi natin ma-tutugunan ang pagkagutom ng mga batang mag-aaral,” dagdag ni Poe. “Ang libre at masustansiyang pagkain para sa kanilang anak ay makapagpapagaan sa dalahin ng mahihirap na pamilya sa buong bansa.”

Comments are closed.