KILALANG madiskarte ang beauty queen-actress na si Alma Concepcion kaya’t may fallback agad ito sa mahinang takbo ng career sa showbiz, ang magbukas ng sarili niyang Beautederm Store.
Pormal na ngang binuksan ni Alma sa publiko kamakailan ang kanyang beauty store located sa #59 Xavierville Ave., Loyola Heights, Quezon City kung saan sinuportahan siya ng mga kapwa endorsers sa Beautederm na sina Sylvia Sanchez, Gabby Concepcion, Ken Chan, Ejay Falcon, Jestoni Alarcon, Sherilyn Reyes-Tan, Pauline Mendoza, Maricel Morales, Alex Castro, Hashtag Ryle, Anne Feo, Shyr Valdez, Rochelle Barrameda, at Jimwell Stevens.
Ngayong madalang pa sa patak ng ulan ang offer sa kanya at pinag-aaral pa ang anak na si Cobie Puno na nasa kolehiyo na ay tama ang desisyon ni Alma na pumasok sa pagnenegosyo at maganda ‘yung place na nakuha niya, lugar ng mayayaman na mahilig magpaganda. Isa pala si Alma sa senior endorsers ng Beautederm.
MARIAN RIVERA TOUGH MOMMY KAYA BAGAY NA MAGING BRAND AMBASSADRESS
KAMAKAILAN lamang ay pormal ng ipinakilala si Marian Rivera bilang bagong brand ambassadress ng Tough Mama Home & Kitchen Appliances na unang inendorso ni Jennylyn Mercado.
Ayon pa kay Marian, thankful siya sa trust na ibinigay sa kanya ng Tough Mama na pinagkatiwalaan siya at kuning endorser nito. Sa tanong kung paano sasabihing tough ang isang ina, ang naging tugon ng magandang aktres, “Tough Mama ka kung sabay-sabay mong nagagampanan ang pagiging asawa, ina at nagtatrabaho ka pa. Lahat ng mga Mama, tough, depende sa relihiyon, kasi kasama na rito ang faith at trust kay God.
“Ako bata pa, natutunan ko na sa Mama at Lola ko ang pagiging tough, pero mas higit sa Lola ko dahil siya ang nagpalaki sa akin, habang nag-tatrabaho sa abroad si Mama,” masayang sambit ni Yan.
“At iyon din ang nagustuhan ko nang i-offer sa aking maging brand ambassador ng Tough Mama. Hindi ko alam na ang mga ginamit ko pa lang appliances, gawa nila, until ini-offer nila sa akin. Kaya noon pa ay binibili ko na ang appliances nila, kahit pang regalo sa mga kaibigan at ina-assure ko naman kayo na matitibay silang lahat at very affordable pa,” pagmamalaki pa ni Marian.
DWAYNE SANTOS THAT’S MY BOY GRAND WINNER
WALONG little boys ang naglaban sa grand finals ng “That’s My Boy” sa APT Studios nitong Sabado. Kabilang sa mga hurado ay sina Direk Gina Alajar, Jean Garcia, Julie Anne San Jose, at Dabarkads Ryan Agoncillo. Lahat ng finalists ay bibo at talentado at mahusay ring sumagot sa tanong ng mga host na sina Jose Manalo at Maine Mendoza.
Pinakabibo at umagaw ng pansin ay grand finalist No.6 Xian Carl Yambao na tinanghal na first runner-up. Ang munting hiling nito kapag siya ang nanalo ay maibili siya ng kanyang Mommy ng karaoke set kasi mahilig siyang kumanta at gusto niyang maging singer, matutupad na dahil P30K ang premyong kanyang tinanggap.
Ang pinakabata naman sa lahat na si Tabobong ang naging 2nd runner-up at nagkamit siya ng P20K at ang itinanghal na grand winner ay si grand finalist No.10 Dwayne Santos na nakapag-uwi ng tumataginting na P100K plus trophy.