NASA 93 fully vaccinated healthcare workers sa Philippine General Hospital (PGH) ang nagbalik na sa trabaho, limang araw makaraang mahawaan o malantad sa COVID-19.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na ang bilang ng medical frontliners sa PGH ay tumaas makaraang halos 100 sa kanila ay ma-infect noong nakaraang linggo.
“Luckily, noong ginawa itong shorter quarantine period ay parang nakabalik ang about 90, 93 personnel agad,” sabi ni Herbosa.
“‘Yung dating protocol natin nakapaka-strict, ma-expose ka lang, 10 days ka nang ‘di pupunta sa ospital, ngayon ‘pag wala kang sintomas, puwedeng magtrabaho,” dagdag pa niya.
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) noong Enero 7 ang pinaikling isolation at quarantine periods para sa fully vaccinated health workers na infected o nalantad sa COVID-19.
Ito’y kasunod ng pagkabahala ng mga ospital na nauubusan na sila ng staf dahil sa pagdami ng mga nahahawaan ng COVID-19.