INAASAHANG maipapasa na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) matapos ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 27.
Ito ay makaraang mabigo ang Senado na ipasa ang Bayanihan 2 nitong Hunyo nang tumanggi ang executive branch na gawin itong urgent bill.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, magtatalaga ito ng mga miyembro ng Bicameral conference na makikipagtulungan sa Kamara.
Sa bersiyon ng Senado sa Bayanihan 2, binawi nito ang probisyon ng unang Bayanihan law na nagpapahintulot kay Pangulong Duterte na i-take over ang mga ospital at iba pang private facilities sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Inalis din ang kapangyarihan ng mga law enforcer na arestuhin at patawan ng parusa ang mga indibidwal na lumalabag sa polisiya ng quarantine. VICKY CERVALES
Comments are closed.