PAGKATAPOS ng art services ni Tom Rodriguez to support a donation drive para sa daily wage earners, ngayong panahon ng enhanced community quarantine, ipinamalas naman ng Kapuso actor ang pagiging creative niya pagdating sa pagme-make-up.
Sa isang video ay ipinakikita ni Tom na mini-make-upan ang girlfriend na si Carla Abellana.
While staying at home dahil sa ECQ, napagtripan ni Tom na gawing glamorosa ang girlfriend habang naka-quarantine sila.
Natatawang sabi ni Carla, “Di siya nakapag-prepare, hindi siya nag-research.”
Sa bawat make-up kasi ni Tom sa kanya ay panay din ang guide ng actress kung ano ang tamang gagawin.
Masunurin naman daw si Tom at very gentle niyang ina-apply ang bawat sabihin ni Carla.
At in fairness daw, ang gaan daw ng kamay ng actor habang nilalagyan siya ng eye shadow.
Ani Carla: “Challenge talaga ‘yan for him na walang preparation, walang pag-aaral whatsover.”
RONNIE ALONTE AT LOISA ANDALIO MATATAG ANG RELASYON SA GITNA NG PAGSUBOK
NAG-SELEBREYT ng 21st birthday ang young actress na si Loisa Andalio nu’ng Martes (April 21).
Tinawag ng bf na si Ronnie Alonte si Loisa Andalio na “mi futura esposa” on her 21st birthday. Simpleng mensahe ang pagbati na idinaan ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte.
Ang birthday greetings ng dancer-actor sa actor ay sa wikang espanyol “feliz cumpleaños a mi futura esposa.”
Na ang ibig sabihin sa English ay “happy birthday to my future wife.”
Kinilig ang mga LoiNie fans, anila mahal na mahal daw talaga ni Ronnie si Loisa.
Ang relasyon nina Loisa at Ronnie ay mag-aapat na taon na.
Nu’ng 3rd anniversary ay nagselebreyt sila sa Amanpulo, Palawan.
Maraming dumating na pagsubok sa relasyon ng young couple, lalong-lalo na sa parte ni Loisa.
Dahil sa tiwala sa isa’t isa naging matibay ang kanilang relasyon kahit na nasa murang edad pa lang sila.
Comments are closed.