(Matapos magtakda ng price ceiling) PRESYO NG BIGAS TUTUTUKAN

MAHIGPIT na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng bigas kasunod ng pagtatakda ng price ceilings para sa staple food sa buong bansa.

Ayon sa DTI, makikipag-ugnayan ito sa Department of Agriculture (DA), iba pang national agencies at sa local chief executives para i-activate ang kanilang Local Price Coordinating Councils upang epektibong maipatupad ang mandated price caps sa bigas.

Sinabi ng Office of the Executive Secretary na ang Executive Order No. 39 ay magiging epektibo sa Martes, September 5, matapos malathala sa national newspapers.

“We recognize the urgency of addressing the escalating rice prices in the market. In parallel, it is imperative to maintain stringent oversight over rice pricing and supply to preclude any potential hoarding and price manipulation by traders and retailers,” wika ni DTI Secretary Fred Pascual.

“To fortify our monitoring and enforcement mechanisms, the DTI will mobilize its price monitors and engage with Local Government Units (LGUs) to activate their Local Price Coordinating Councils,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din niya na hindi saklaw ng price caps ang special at premium rice.

Sinabi ng Trade chief na makikipagtulungan sila sa Philippine Competition Commission (PCC) upang magsagawa ng mga hakbang laban sa kartel at iba pang entities na nagmamanipula sa presyo upang matiyak ang kapakanan at proteksiyon ng rice consumers.

Nanawagan din si Pascual sa mga consumer na i-report ang anumang kaso ng overpricing o hoarding sa DTI sa pamamagitan ng One-DTI (1-384) hotline nito o email [email protected].

“The imposition of this price ceiling is aimed at protecting Filipino consumers from unjust or unfair sales practices,” aniya.

“We at the DTI and the entire Philippine government aim to protect lower-income individuals and the vulnerable population who often bear a disproportionate burden when prices of goods rapidly rise,” dagdag pa niya.

Inaprubahan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang joint recommendation ng DA at DTI na magtakda ng price cap sa bigas sa bansa, ayon sa Executive Order No. 39 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nakasaad sa EO na ang itinakdang price ceiling para sa regular milled rice ay P41 kada kilo habang sa well-milled rice ay P45 kada kilo.

“The ceilings were computed based on the average rice prices for the last three months (May, June, and July) following Section 8 of Republic Act No. 7581, or the Price Act, and confirmed by cost analysis,” ayon pa kay Pascual.