NAISPATAN si Ellen Adarna na nakikipag-jamming sa isang bar sa Cebu City kamakailan.
Sa video na kuha na naka-upload ngayon sa social media, batikos ang napala ng sexy-actress.
Makikita sa video na kumakanta ang celebrity mom ng Bisaya kung saan kapansin-pansin na nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa.
Ani ng netizens, akala raw nila sa mananahimik na si Ellen at naging ina na at magiging full time mommy na raw ito. Mabuti raw at pinapayagan pa siya ni JLC na makipag-mingle sa mga kaibigan niya.
May nagtanong pa “kasama ba ni Ellen si JLC sa pagna-night life? O si Lloydie ang naiwan sa haws para magbantay sa baby nila.”
ANGELICA PANGANIBAN NANGANGAYAYAT
ANG laki ng ipinayat ni Angelica Panganiban kaya naman nababahala ang kanyang fans.
Sa kanyang Instagram account nag-post, ng bagong picture ang actress kung saan kitang-kita ang laki ng pinagbago ng kanyang pangangatawan. Nilagyan ito ng Kapamilya actress ng caption na “No matter what I do, all I think about is you.”
Saad ng netizens, ano raw ang nangyari at nagpapayat nang husto ang actress. “Laki ng pinayat mo, Idol. Ibang-iba sa dati. Sino ang iniisip mo Idol sa iyong pagpapapayat?”
Kung anuman ang intention ni Angelica sa pagbabawas ng timbang, it’s good for her dahil lalo siyang gumanda ngayon kesa nu’ng chubby-chubby siya.
Isang die-hard fan naman niya ang nag-shout out “hurray Angge… ipakita mo sa kanila na isa ka sa may pinakamagandang mukha sa showbiz lalung-lalo na sa mga exes mo. Be proud of yourself. Sino ba sila. Kung ayaw nila sa ‘yo… just wait… wait lang… may nakalaan si God para sa ‘yo!!!”
NETIZENS PINAGTAWANAN ANG ENGLISH TITLE NG ‘ANG PROBINSYANO’ SA NETFLIX
MAPANONOOD na ang ‘Ang Probinsyano’ sa Netflix series.
Pero hindi approved ng netizens ang English title para sa top-rating actionserye ni Coco Martin.
“Brothers” ang title ng ‘Ang Probinsyano” kapag pinanood sa Netflix kung saan first episode lang daw ng teleserye ang mapanonood.
Pinagtawanan ng netizens ang English title para sa “Ang Probinsyano.”
Anila: “Bakit naging ‘Brothers’? ‘Di ba dapat ‘The Provincial’?” “Bakit ‘Brothers?’ Eh ilang episode lang ang tungkol sa kapatid ni Cardo na si Ador. ‘The Man from the Province’ dapat. Lol!” “Nice ngayon mapapanood ko na kada episode ‘yung pag iyak ni Nanay Flora in HD.” “’Brothers’ pala English ng ‘Ang Probinsyano’? Akala ko ‘The Provincer.’” “Bakit hindi translation ng ‘Ang Probinsyano’ ang title? “Bakit iniba?”
O, ‘di ba ang daming BAKIT.
Anyway, kung anuman ang dahilan ng Kapamilya Network at naging “Brother” sa Netflix ang Coco teleserye tanging ang ‘Ang Probinsyano’ staff lamang ang nakakaalam.
Ang importante mapapanood na ng mga supporter ni Coco ang kanilang idolo sa international streaming line saan man sila naroroon,
Ita-type lang ang ‘Brothers’ sa search bar para mapanood si Coco.
Comments are closed.