MATATAKAW KUMAIN ANG IHANDA

SABONG NGAYON

GIVEN na ‘yung super galing ang abilidad ng manok na inihahanda bilang panlaban kasi hindi naman siguro tayo maghahanda ng manok na paala-alangan o regular ang abilidad.

“Masakit mamulot ng manok sa oras ng laban! Kung talagang paakyat sya or going to peak dapat alas-2 ng hapon ay crop empty o wala nang laman ang butsi niya during conditioning period kung magpapakain ka ng 4 pm,” ani Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Kung ano po pamamaraan ang meron ang bawat isa sa atin iyon po ay nirerespeto ko,” dagdag pa niya.

Aniya, habang hawak-hawak pa natin mga manok natin ay tulungan na natin dahil kapag nabitawan na natin sila ay hindi na na-tin sila matutulungan pa.

Sinabi rin ni Doc Marvin na anumang lakas ng ulan ay kaya po paglabanan ng ating mga manok kasi kaya nga sila may balahibo para protection ng kanilang katawan para huwag lamigin.

“Ang pinakaayaw po nila ay ‘yung malakas na hangin kasi iyon po ang sanhi para sila ay hindi magtunaw kaya mas safe kung bawasan ang pagkain kung panahon na may malakas na bagyo,” ani Doc Marvin.

Sinabi rin ni Doc Marvin na ang handler o naghahanda ay hindi dapat iniiwanan ang manok, dapat tutok na tutok lalo na kapag umuulan.

“Malakas po magdagdag ng timbang ang tubig ulan. Kapag umulan sumasama po sa hangin ang tubig at ito ay pumapasok sa kanyang balahibo na kalimitan nagiging sanhi para madagdagan ang kanyang timbang at tuluyan nang ma-bad weight,” aniya.

At kung sobrang init naman ng panahon, mas lalong kailangan ang tubig ng ating mga manok na malapit na magpalit ng pani-bagong balahibo.

“Umaga, tanghali at hapon ay dapat nagpapalit ng painom para maiwasan ang heat stroke. Siguraduhin lamang po na hindi nakabilad sa arawan ang kanilang painom para maiwasan ‘yung kapag sparring ay nangingitim ang mukha.

“Be ready rin po sa pag-atake ng fowl cholera (acute type) ‘yung biglang namamatay na itim ang mukha na ang ipot ay green at nahuhulog sa pahapunan sabay patay agad. ‘Yan na po ‘yung sakitin ng bata pa ay pinilit mo pa rin buhayin. Pasensiya po sa palaging nagtatanong ng gamot sa mga sakit-sakit na iyan dahil hindi po talaga ako sanay diyan at ako’y hirap na hirap sagutin kasi ang set ko standard/pamantayan sa anumang kapintasan/sakit ay sentensiya agad,” dagdag pa niya.

197 thoughts on “MATATAKAW KUMAIN ANG IHANDA”

Comments are closed.