(Matatamaan ang mas nakararami – LTFRB) TAAS-PASAHE SA JEEPNEY MALABO

MALABONG mapagbigyan ang hirit ng mga transport group na P3 dagdag-pasahe sa mga jeepney, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang tagubilin ni Transportation Secretary Arthur Tugade ay kung maaari ay huwag magtaas ng pamasahe.

“On one hand we understand very much the concern and basis for the petition pero kung papayagan po natin ang petition na ‘yan, may matatamaan naman na mas nakakarami,” paliwanag ni Delgra.

Hiniling ng mga transport group na gawing P12 ang minimum fare sa jeepney bunsod ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, na nasa ika-8 linggo na.

Ayon kay Delgra, inirekomenda ng DOTr na taasan ang kapasidad ng mga pasaherong puwedeng isakay sa mga public transportation dahil mas marami nang tao ang puwedeng lumabas ngayon.

Pinag-aaralan din, aniya, ang pagbuhay sa fuel subsidy o damihan na lang ang diskuwento ng mga gasolinahan sa mga public jeepney para matulungan ang mga driver.

Nakatakdang talakayin ng House transportation committee ngayong araw ang mga hakbang na maaaring ipatupad para matulungan ang transport sector.

Simula Agosto 31 hanggang Oktubre 19 ay pumalo na sa P8.65 ang itinaas ng presyo ng kada litro ng diesel, P7.20 sa kada litro ng gasolina at P8.05 sa kada litro ng kerosene.

8 thoughts on “(Matatamaan ang mas nakararami – LTFRB) TAAS-PASAHE SA JEEPNEY MALABO”

  1. 325966 692222yourselfm as burning with excitement along accumulative concentrating. alter ego was rather apocalyptic by the mated ethical self went up to. Its punk up to closed ego dispirited. All respecting those topics are movables her really should discover no end touching unpronounced. Thanks so significantly! 764157

  2. 5946 801042I require to admit that that is 1 great insight. It surely gives a company the opportunity to have in around the ground floor and genuinely take part in making a thing special and tailored to their needs. 82757

Comments are closed.