WALA nang nakapigil sa nangyaring civil wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Kahit na ang mahigpit na guwardiyang ina ni Sarah na si Mommy Divine ay nganga sa biglaang pagpapakasal ng anak.
Pero bago naganap ang kasalan ng dalawa ay nagkaroon daw diumano ng gulo sa pagitan ni Matteo at bodyguard ni Sarah.
Dumating kasi sa lugar ng pagdarausan ng wedding ang nanay ni Sarah na akala ni Matteo ay ang bodyguard ng actress ang nagsumbong kay Mommy Divine kaya nagawang suntukin daw diumano ng actor ang close-in guard ni Sarah.
Pero itinanggi ito ni Matteo sa isang interview.
Kung pagbabasehan naman ang police report ng CNN Philippines mula sa Taguig tungkol sa gulo sa civil wedding nina Matteo at Sarah last Thursday night ay nagkaroon nga ng pananakit ang actor sa close-in guard ni Sarah.
Sa report ay sinuntok umano ni Matteo si Jerry Tamaya (bodyguard ni Sarah) nang sabihin daw nito na dumating ang nanay ni Sarah na si Mommy Divine “unexpectedly.”
Gusto raw kausapin ni Mommy Divine ang kanyang anak na si Sarah at pinaghinalaan na nagsumbong sa actress ay ang bodyguard.
Well, ngayon ay kasal na sina Sarah at Matteo ay wala nang silbi ang pagpigil ni Mommy Divine. Isa pa, nasa hustong gulang na si Sarah para gawin kung anuman ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.
ANNE CURTIS NAIINIP NA SA PANGANGANAK
INIP na inip na si Anne Curtiz sa araw ng kanyang panganganak sa baby girl nila ni Erwan Heussaff kaya naisipan niyang magpakuha ng hubad habang malaki pa ang kanyang tiyan.
Mala-Demi Moore ang preggy pictorial ni Anne kung saan natatakpan lang ng kanyang kamay ang maselang bahagi ng kanyang hubad na katawan.
Ginawa raw niya ang nude pictorial dahil birthday niya last February 17 at ang inilagay niyang caption sa Instagram ay, “Birthday Suit.”
Gusto lang daw niya i-share ang malaking pagbabago ng katawan ng isang babae kapag ito ay buntis.
STATEMENT NI CARLO KATIGBAK SA ABS-CBN FRANCHISE
SA STATEMENT na inilabas ni Carlo L. Katigbak, President at Chief Executive Officer ng ABS-CBN na, “Serbisyo po ang layunin ng ABS-CBN. Ngunit kami po ay hindi perpekto. Nagkakamali din po kami at handa po naming itama ang anumang pagkukulang .”
Sabi naman ni Angel Locsin sa kanyang Instagram, “For me this is the highlight of his statement. Because like any other companies, mistakes happen.
“No company is perfect, I`ve experienced and heard stories about other companies as well – in and our of entertainment.
“If there`s something wrong with the system then address it and fix it. Do not take away jobs from people.
“Please note that the people in this industry have very limited options.
“I trust that our Congress would be fair on this matter. Hopefully they would conduct the franchise hearing as soon as possible . Again, #Justlove.”
Matatandaang dating Kapuso talent si Angel bago naging isang Kapamilya.
Comments are closed.