MAX COLLINS ‘DI PA FEEL MAGKA-BABY

PANCHO MAGNO-MAX COLLINS

MUKHANG nagdala ng suwerte sa karir ni Max Collins ang kanyang pagpapakasal kay Pancho Magno.wallface O, di nga ba, misis na siya nang manalo ng isang special acting award para sa pelikulang “Rainbow Sunset” at ngayon naman ay bida na siya sa isang teleseryeng ginagawa ng GMA-7, ang “Bihag” katambal si Jason Abalos.

Sa naturang teleserye muling ipamamalas ni Max ang kanyang angking ga­ling sa pag-arte at may kasama pang mga maaksyong eksena. Isang heavy drama with action ang tema ng “Bitag”. Sa pangyayaring ito tila kakain ng maraming oras kay Max ang bagong soap na ginagawa, eh paano naman kaya ang plano nila ng mister na magkaanak?

Say ni Max, sa ngayon ay wala pa raw talaga sa plano nila ng mister na magkaroon ng baby, nasa honeymoon stage pa raw kasi sila at feel na feel nilang laging nagta-travel na mag-asawa. Nataon din na may mga offer na dumarating sa kanya kung kaya parang laging bitin ang kanilang honeymoon ng mister.

Magkagayunpaman, say ni Max na malamang pagkatapos ng “Bihag” ay may chance na magsimula na silang bumuo ng isang pamilya ni Pancho.

MICHAEL V ALAGANG-ALAGA NG KAPUSO NETWORK

MICHAEL VHINDI lang sa telebisyon, sa pamamagitan ng kanyang mga top-rating shows sa Kapuso Network, ang “Bubble Gang” at “Pep-ito Manaloto” pinagkakatiwalaan ng naturang istasyon ang komedyanteng si Michael V., kundi ma­ging sa pagdidirehe ng pelikula.

Binigyan ng chance si Michael V. ng GMA Pictures, dating GMA Films, sa “Family History” na pinagbibidahan din ni Mi-chael, kasama ang nagbabalik-Kapuso na si Dawn Zulueta, Paolo Contis, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Cacai Bautista, at marami pang iba. Hindi lang doon nagtatapos ang tiwala ng GMA Pictures kay Michael sa kanilang pagbabalik din sa paggawa ng mga pelikula, bukod sa director at bida ang komedyante, ay siya pa rin ang scriptwriter at isa sa producer.

Ano naman kaya ang naghudyat kay Michael para magdirehe ng isang pelikula for the first time? Ani ng actor, halos sampung taon na rin naman siyang hindi nakagawa ng isang full-length movie kung kaya sa kanyang pagbabalik-pelikula ay nais niyang bigyan ng kakaibang atake ang movie. Komedi pa rin ang tema ng kanyang dinidereheng pelikula pero may dagdag na ibang rekado.

Nang matanong naman si Michael V kung bakit ang isang Kapamilya actress na si Dawn ang kanyang napi­ling maging leading lady sa unang pelikulang ididerehe niya, say ni Michael, ibang kombinasyon daw kasi sila ni Dawn. Nang gawin ni Michael V ang script ng pelikula ay si Dawn ang nakikita niyang bagay  na maging leading lady.