MAX COLLINS TAKOT PANG MAGING ISANG INA

SUPER sexy si Max Collins kasama ang asawang si Pancho Magno nang dumalo sa wallfacepag-aanunsiyo ng mga nominado ngayong taon para sa 37th Luna Awards Night in cooperation of Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung saan ang venue ay sa Maybank Performing Artist, ngayong parating na November 30.

Isa sa naimbitahang pumunta sa naturang event ay ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno. Nominated sa kategoryang Best Supporting actress si Max para sa pelikulang “Citizen Jake.”

Ani ni Max, ma-nominate lang alongside sa mga pangalan nina Aiko Melendez at Sunshine Dizon para sa pelikulang Rainbow’s Sunset, Nova Villa for Miss Granny at Daria Ramirez para sa Signal Rock ay para na rin siyang isang winner. Say naman ng mister niyang si Pancho, deserve naman ni Max kung anuman ang kinalalagyan niya ngayon sa showbiz. Nakikita niya ang super effort ng misis sa tuwinang may bago itong movie o project na ginagawa. Kahit daw si Pancho ay kinakaladkad ng asawa para magbatuhan lang sila ng dayalogo sa mga eksenang gagawin ni Max. Hindi raw natutulog ang misis hanggang hindi niya na-eensayong mabuti ang kanyang character.

Kung bakit seksi pa rin si Max, as in di pa lumolobo ang tiyan after almost 2 years nang married? Wala pa rin daw kasi sa plano nilang mag-asawang madagdagan ang kanilang pamilya pero kung sakaling ibibigay naman daw ito ng Diyos ay malugod nila itong tatanggapin.

Aminado rin si Max na may nararamdaman pa siyang takot kung sakali mang mabuntis siya. Dahil first time mom just in case ay kung ano-ano ang lumalaro sa kanyang isipan sa tuwing maaalaala niyang may isa na siyang responsibilidad na gagampanan. Hindi naman daw siya takot sa proseso ng panga­nganak, ang gusto lang ni Max ay maging handa sa bagong yugto ng kanyang buhay at inaasam nilang mag-asawa na next year na ito maganap.

BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO KANYA-KANYA SA TRABAHO

PAGKATAPOS ng halos magkakasunod na pagtatambal ng magsyotang Barbie Forteza at Jak Ro­berto, sa “Kambal Karibal” at “Wagas: Wait Lang… Is this Pag-ibig?” ay kanya-kanya na muli sa trabaho ang dalawa. Si Barbie ay super excited sa bago niyang teleseryeng gagawin, ang “Anak ni Waray Vs Anak ni Biday” kung saan ay si Barbie ang gaganap na anak ni Waray at si Kate Valdez naman ang anak ni Biday.

Popular na popular ang pelikulang ito na ginampanan noon ng yumaong Nida Blanca at Gloria Romero. Kung bibigyan ng justice ang role ni Nida, fit na fit ito kay Barbie. May pagkakikay at bungisngis si Barbie. Wala pang leading man na ipinakikilala para sa dalawa. Tiyak marami na naman maaaliw sa kakikayan ni Barbie, dagdag pa rito ang matitinding suporta mula sa mga magagaling actor na sina Dina Bonnevie, Snooky Serna (na lumabas ding anak ni Biday sa isang pelikula na kasama naman si Maricel Soriano bilang anak ni Waray), Teresa Loyzaga, Jay Manalo at Celia Rodriguez.

Comments are closed.