HINDI ikinaila ni Maxine Medina na nag-confide siya sa kanyang pinsan na si Dianne Medina tungkol sa nangyaring “duraan” sa kanila ng Los Bastardos co-star na si Kylie Verzosa sa kanilang kontrobersyal na “confrontation scene” sa nasabing serye.
Pumutok kasi ang “duraan” isyu sa kanila dahil sa pa-blind item ni Dianne, fiancée ni Rodjun Cruz sa kanyang scoop sa Facebook account nito tungkol sa artistang nandura ng kapwa nito artista na hindi man lang nakuhang mag-sorry pagkatapos maka-offend.
Naging guessing game ito hanggang sa nakumpirma ito nang magsalita siya.
Ani Maxine, very private raw siyang tao at masama ang loob at that time kaya nasabi niya ito sa kanyang mom na nagalit sa buong pangyayari. Sinabihan din daw niya ang kanyang Ate Dianne tungkol dito.
Sey pa niya, sobra raw na naa-appreciate niya ang concern ng kanyang mga pinsan na si Dianne at Kat sa nangyaring iyon sa kanya at na-realize niya na sa ganoong mga pagkakataon, pamilya mo talaga ang unang dadamay at magmamalasakit sa iyo.
Anyway, happy naman siya dahil naplantsa na ang sigalot sa kanila ni Kylie na nag-sorry sa kanya after four days na mangyari ang naturang insidente.
Paliwanag sa kanya, lesson daw sa kanya na dapat sa ganoong mga eksenang may pisikalan ay dapat pinag-uusapan muna kung paano i-e-execute ng mga artista prior the shoot.
“Siguro, lesson na rin ‘to na before natin gawin ‘yung eksena, let’s talk about it. Para if ever may mangyari na hindi kanais-nais, eh kaya nating mag-sorry right after,” bulalas ni Maxine.
Dagdag pa niya, sila ni Ritz Azul ay may sapakan dati sa isang legal drama na may sampalan at sabunutan, pero pinag-usapan daw nila ito bago nila ginawa.
Gayunpaman, okey na raw sila ngayon ni Kylie dahil nakapag-usap na sila.
Kung sakaling may offer, game daw siya na makasama ito muli sa isang proyekto.
After her role as Isay, ang love interest ni Isagani (Jake) sa Los Bastardos, gustong sumubok ni Maxine na mas challenging roles tulad ng isang kontrabida.
RAPPER NA SI LOONIE TIMBOG SA DROGA
NAGING viral ang video na na-upload sa social media hinggil sa pagkakaaresto sa kilalang rapper na si Loonies sa buy-bust operations na isinagawa ng police operatives sa parking lot ng isang hotel sa Makati.
Nahulihan si Loonie o Marlon Peroramas sa tunay na buhay ng 15 sachets ng high-grade marijuana kasama ang apat pa niyang kasamahan.
Itinanggi naman ng rapper ang akusasyon sa kanya at sinabing planted lang ang mga ebidensya laban sa kanya.
Si Loonie ay huling napanood sa pelikulang “Respeto” na naging kalahok noon sa Cinemalaya 2017.
Comments are closed.