MAY ADYENDA ANG MGA “OLIGARK”

rey briones

LALO pang dumayb Suki, ang halaga ng kaperahan ng lahi ni Juan Matiisin.

Habang ang presyo naman ng halos lahat ng mga bilihin ay pumailanlang.

Teribol ang itinaas!

Lalo na ang presyo ng mga pagkain.

Bigas at ulam, Suki, na siyang pangunahing sangkap sa surbaybal ng sumisinghap-singhap na maralitang sektor.

Anyare na sa ating bayan, Boss Digong?

oOo

Suki, nagagalak na sana ang pamilyang mayroong miyembrong OFW.

Kasi, sa pagbagsak ng halaga ng ating pera ay tumaas naman ang palitan ng padalang dolyares ng kanilang kaanak.

Kamakailan lang ay limanlibong piso ang palit ng ‘sandaang dolyar na padala ng ating OFW.

Kaya talaga namang piyesta sa mall ang mga nag-shopping nilang kaanak.

Kasi, wala pang masyadong pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, Suki.

Kahapon ay halos P5,430 na ang palit sa bawat 100 na dolyar ng Estados Unidos o may karagdagang P430 sa palitan.

Ang siste, Suki, ay nilalamon ng tinatawag na inflation ang dagdag na halaga sa palitan ng ating pera at ni Uncle Sam.

Derpor, lugi pa!

Bakit? Mukhang sumasagad na, Suki, sa badyet ng pamilyang Filipino ang itinataas sa presyo ng halos lahat ng bilihin.

oOo

Si Nanay Takya na may dalang ‘sanlibong piso sa palengke ay umuwing luhaan kahapon.

Kasi, kakalog-kalog sa basket ang kanyang mga pinamiling pang-ulam at mga pansahog.

Ang dating ‘sankilong bangus na dati’y P120 lang ay higit pang P200, at ang tilapyang may katamtamang sukat ay P160 kada kilo mula sa dating P110 lang.

Mga isda pa lang ‘yan, Suki.

Sige, sa mga sahog naman:

Ang dating P30 kada kilo ay P70 na ngayon, at ang repolyo, Suki, P80 ang ‘sinlaki ng kamao.

Susmaryosep!

Pero hindi ‘yan ang isyu ko, Suki.

Kundi ang pagmanipula ng mga ‘oligark’ sa ating ekonomiya na ang suspetsa  ko’y politika ang adyenda. Bantay ka na Boss Digong!

Comments are closed.