BAWAL na ang mga maiingay na sasakyan sa Maynila na gumagamit ng tambutso na nakakabulahaw sa katahimikan ng barangay lalo na sa mga dumadalo sa online class at nagtatrabaho sa loob ng kanilang tahanan.
Ito ang naging direktiba ng pamahalaang lokal kay Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje at Manila Police District Director Gen. Leo Francisco na tiyaking maipatupad ang bagong pasang ordinansa na hindi lamang nagbabawal sa paggamit ng sasakyang may modified muffler na bumubuga ng labis na ingay, kundi parurusahan pa ang mga may-ari nito.
Ibinigay ang kautusan matapos na pirmahan bilang batas ang Ordinance 8772 na iprinisinta ng Manila City Council, kung saan inatasan si Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay na ipakalat ang nasabing ordinansa na tinawag na ”Motor Vehicle
Modified Muffler Noise Regulation Ordinance of the City of Manila”, sa lahat ng pinuno ng may 896 barangay sa lungsod para sa maayos na pagpapatupad.
Samantalang, ang MTPB at MPD ay naatasan naman na mag-report, manghuli at magmintina ng mga record ng mga lalabag at itatala kung ilang ulit ng lumabag sa nasabing ordinansa ang mga nahuhuli; kokolekta at mag-iingat ng lahat ng kopya ng mga Ordinance Violation Receipts (OVRs) na inisyu ng authorized enforcement officers at mga kinumpiskang driver’s licenses at isasauli rin sa may ari kapag nasunod na ang mga kondisyong itinatakda ng ordinansa; mag-accredit ng official motor vehicle repair shops na siyang magkukumpuni ng mga sasakyan ng mga nahuling lumabag at makipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) para sa maayos na pagpapatupad ng nasabing ordinansa.
Ang mga barangay naman ay magsisilbi bilang katulong na puwersa upang epektibong maipatupad ang ordinansa sa lugar na mga sakop nila sa pagmamagitan ng pagre-report sa mga lala-bag sa MPD o MTPB.
Maaaring kumpiskahin ng enforcers na duly-deputized ang driver’s license ng mga lalabag at mag-iisyu ito ng OVR na magsisilbing temporary driver’s license sa loob ng limang araw simula ng araw na inisyu ito. VERLIN RUIZ
448195 107461Spot on with this write-up, I genuinely suppose this web site needs rather far more consideration. most likely be once far more to learn considerably much more, thanks for that information. 785478
303653 864841Hey there! Great post! Please when all could see a follow up! 719086
582438 427670Some truly quality weblog posts on this internet site, saved to fav. 272762
469891 497840You completed certain good points there. I did searching on the topic matter and discovered most persons will go together together with your blog 408762
606455 847716I like the way you conduct your posts. Hmm 151134
880173 730458There a few fascinating points in time in this post but I dont know if I see these center to heart. There may possibly be some validity but Ill take hold opinion until I explore it further. Excellent post , thanks and then we want a whole lot a lot more! Put into FeedBurner too 255720