MATAGAL nang endorser si Coco Martin ng direct selling company na Personal Collection, na naengganyo na ring magbukas ng kanyang Personal Collection Store sa Fairview.
Nagkaroon ito ng formal opening last week na dinaluhan ng mga taga-PC na si Mr. Jojo Barraquias at manager ng actor na si Mother Biboy Arboleda at mga Kapamilya. Kung tutuusin sa pagiging moneyed ngayon ni Coco ay puwede siyang magbukas ng kahit anong negosyo pero mas pinili nito ang Personal Collection na hindi lang dekalidad ang mga produkto kundi nakatutulong pa sa ating mga kababayan sa kanilang livelihood project.
Sa pagbubukas ni Coco ng kanyang sangay ay dinumog agad ito ng kanyang fans and supporters. At siguradong magiging mabilis ang ROI (return on investment) ng Kapamilya actor sa itinayong negosyo. Sa pagkakaalam namin ay may iba pang negosyo si Cardo ng FPJ’s Ang Probinsyano.
KISSES DELAVIN KASAMA NA SINA MARIAN AT MAINE SA TRIPLE A MANAGEMENT
CLUELESS ang lahat sa event na naganap noong Nov 8 sa Sequioa Hotel sa Timog na ipinatawag ng presidente ng Triple A Management(talent management arm of APT Entertainment) na si Sir Rams David. Kaya lahat ng invited na entertainment press ay excited sa nasabing ganap na contract signing pala ng dating Star Magic talent na si Kisses Delavin na produkto ng PBB.
Well, sa paglipat ni Kisses ng management ay wala raw sinabihan na kahit sinong taga-ABS-CBN even Maymay Entrata. Bale four months daw ang naging pag-uusap nila ni Sir Rams at Direk Mike Tuviera kasama ng kanyang parents and finally ay nagkasundo ang bawat kampo kaya hayun pumirma na siya ng kontrata.
“I just wanted to explore more opportunities pero at the end of the day, I’m always thankful for everything that I achieved through the help of PBB (Pinoy Big Brother) where I started,” pahayag ni Kisses.
Si Marian Rivera daw ang malaking influence kung bakit siya nag-decide na subukang magpa-manage sa Triple A. “Na-meet ko po si tito Rams through Ate Marian before. Nagkita po kami sa Guillermo Awards and then nagkita rin po kami sa fashion show. And ‘yun just felt that she genuinely cares for me and naisipan ko po na maganda ‘yung APT,” sey pa niya.
Sa pinirmahang contract ng young actress ay bibigyan siya agad ng pelikula sa APT Entertainment at hahanapan ng Triple A ng magagandang project sa GMA. Masarap mag-alaga ang Triple A ni Sir Tony Tuviera kaya’t siguradong magiging happy rito si Kisses na makakasama na sa naturang kwadra ang idol na si Marian gayundin si Maine Mendoza.
AGUINALDONG ‘DI LANG PANG-JUAN, PANG-ALL!– SANA ALL
BUONG bansa ay puwedeng sumali sa Sana All, Takbuhan sa TV. At ang saya ng segment na ito na galing pa sa iba’t ibang probinsya ang winners ng iba’t-ibang premyo na hatid ng Maggi Magic Sarap. Para manalo, gayahin lang ang Selfie Pose of the Day at i-comment lang sa designated post na makikita sa Official Facebook Fanpage ng EB. Tandaan: Kapag mali ang pose, invalid ang entry. You only have 10 minutes to comment! Kaya ano pa ang hinihintay nyo dabarkads mag-selfie post na at comment para manalo ng big prizes.
Comments are closed.