MAY BENEPISYO SA NAAKSIDENTENG PASAHERO-LCSP

Atty Ariel Inton-3

IGINIIT ng commuter advocate group na Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na kinakailangang makatanggap ng insurance ang sinumang namatay o naaksidente na lulan ng isang pampublikong sasakyan.

Ito ang naging pahayag ni LCSP Founder Atty. Ariel Inton kasunod ng malagim na pagkamatay ng babaeng konduktor at suspek na pasahero na nagsaboy ng flammable material at kinasugat din ng apat na pasahero sa loob ng bus.

Ipinaliwanag ni Inton na sa ilalim ng Personal Passenger Accident Insurance (PPAI) ay may matatangap na tulong ang isang pasahero sakaling itoy masawi o masaktan habang nasa loob ng pampasaherong sasakyan.

Sa ngayon, patuloy ang pagsusumikap ng LCSP para mas maprotektahan pa ang mga pasahero tulad na lamang ng isinusulong nito upang mapataas ang matatanggap na tulong o benepisyo ng biktima.

Kaalinsabay nito, hinikayat naman ni Inton ang mga bus operator at iba pa na dapat tiyakin na may pamatay sunog ang bawat sasakyan at kinakailangang may sapat na kaalaman ang kanilang mga empleyado, driver man o kundoktor para maka-aksiyon na nararapat sa mga pagsubok gaya ng sunog habang ang mga ito ay namamasada. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.